
"Rayvalri" ng Pilipinas at Hungary sa paramihan ng sabayang halikan, tapos na?
May 6,980ng magkapartner sa Tuzla, Bosnia ang naghalikan ng sabay-sabay sa loob ng sampung segundo bilang bahagi ng ika-15ng aniversari ng isang local radio station duon, upang burahin ang tatlong-buwang gulang na rekord ng Hungary (6,613), na nauna nang bumura sa rekord ng Pilipinas (6,124) nung February sa Lovapalooza.
Nagsimula ang "rayvalri" ng dalawang bansang uhaw sa halik nang burahin ng Pilipinas sa rekord na 5,239, ang 4,445 rekord ng Chile, sa pinaka-unang Lovapalooza nung 2003. Subalit makalipas lamang ang isang taon, binura agad ito ng Hungary sa 5,700 rekord nito.
Hindi ang kasalukuyang world record para sa pinaka-maraming nagtututbras ng sabay-sabay ang sinubukang breykin ng Colgate (sa tulong ng Deped at DOH) kundi ang "most people brushing their teeth in multiple places on a given time" ng United Kingdom na inisponsor ng Aquafresh™.
Elementary schools students show their toothbrushes after allegedly breaking the record of the number of people brushing their teeth in multiple places on a given time Wednesday, Feb. 21, 2007 at the Rizal park in Manila . With 14, 340 students in Manila, 13,209 in Cebu in central Philippines and 13,489 in Davao City in southern Philippines allegedly made a new world record of 41, 038 students, surpassing the former record of 33, 038 children brushing their teeth in the United Kingdom. (AP Photo/Pat Roque) (AP Photo/Pat Roque)
Kung nabawi ng CloseUp™ nung nakaraang linggo ang korona nito para sa pinaka-maraming magpartner na naghahalikan ng sabay-sabay, susubukan naman ngayong umaga ng rayval nito, ang Colgate™, na higitan pa ang kasalukuyang world record nito para sa pinaka-maraming nagtututbras ng sabay-sabay. Inaasahan ang pagpapartisipeyt ang 40,000 istudyante mula sa iba't ibang lungsod sa Filipinas sa tinaguriang mega sabayang pagsisipilyo.
Nung isang taon, may 10,800 Filipinong istudyante mula sa 8 greydskul sa Metro Manila ang nagtipun-tipon sa Rizal Park at sabay-sabay na nagsipilyo sa loob ng tatlong minuto upang burahin ang 2-yir-old rekord ng China (10,240). Hangarin ng Colgate at 185 dentista, mga organayzer, na maging aweyr sa oral hayjin ang mga Filipino.
Inoobserv tuwing February sa Filipinas ang National Dental Health Month.
Bagamat di pa ofisyal, nabreyk ng Filipinas ang world-rekord ng Hungary sa pinakamaraming magpartner na nagki-kiss ng sabay-sabay. Lagpas 6,100 magkaparehang lalaki at babae (edad 18 pataas) ang naghalikan ng sabay-sabay sa loob ng 10 segundo nitong hating-gabi sa labas ng SM Mall of Asia, Pasay City.
Ito ang ika-4 na taon ng Lovapalooza na inorganayz ng Close Up. Sa unang taon nito, 5,239 pareha ang natipun ng grupo upang maghalikan. Mas marami sa 4,445 ng Chile, rekord-holder nun. Subalit brineyk ang puso ng mga Pinoy ng 5,700 magpartner ("gutom" sa halik) na mga Hungarian makalipas lamang ang isang taon.
"Hitting a volery of birds with one stone" lang. Gumawa/brineyk na rin sana nila ang rekord para sa pinakamaraming magpartner na nagkilitian, nagsayaw ng sweet, nag-"I love you"-han atbp. Pwede ring Plan B, C, D yun kung sakaling hindi umabot sa 5,800 target yung umatend. Tulad sa nangyari sa pagtray ng PG Tower Ministries International na breykin ang pinakamalaking bandila.
Ilalatag na sa Saturday, sa Mt. Inordinan, Aritao, Nueva Vizcaya, ang pinakamalaking bandilang Filipino na maaaring makabreyk sa rekord na pinakamalaki sa buong mundo.
Si Grace Galindez-Gupana, prezident ng Halleluiah PG Tower Ministry ang pasimuno sa pagkrieyt ng heganteng Philippine flag na idinizayn upang "magkaroon ng pagkakaisa, nasyunalismo at pananalig sa Dyos ang mga Filipino".
Ang bandila na gawa sa nylon cloth, tulad na marteryal na ginagamit sa paggawa ng parasyuwt, ay may sukat na 330 at 660 talampakan, may bigat na 3,772 kilo, at kung ilalatag ay sasakop ng 2 hektarya. Labin-dalawang tao ang tumahi at dumizayn at 40 ang tumulong sa pagbuo ng bandilang nagkakahalaga ng Php 1 milyon.