
Hindi yan ukay-ukay. Iyan ay isang task sa Manila Leg ng Amazing Race Asia 2.
Ang task: hanapin ang sapatos na walang pair sa humigit kumulang 100ng pares ng sapatos. At mag-asembol ng bike.
Siniserts ko sa net kung totoo yung nabasa ko sa dito sa Skyscraper City. May Survivor Asia raw, nakafrantsayz sa AXN-Asia. At sa Caramoan isyusyut! Kaya ako narating dito, sa peyj ng Amazing Race Asia 2 sa Wikipedia.
Nasa listahan ng mga posibleng ivivizit ang Manila. Ang blog ni Rex ang referens. Nataymingan nya yung syuting ng riyaliti-tivi syow. Si Marc Nelson (Burmese-Australian?) at isang di-kilalang partner daw ang bumubuo ng Philippine team.
PINOY DREAM ACADEMY
Napabilang sa 30ng star dreamer mula NCR at Mega Manila…
Nasa howmstrets na ang ika-2ng season ng Pinoy Big Brother. Sa pamamagitan ng texting, pipiliin ng vyuwers sa pitong natitirang hawsmeyts: sina Bea, Bodie, Bruce, Gee-Ann, Mickey, Nel at Mickey, ang Big Four. Isa-isang lalabas next week ang tatlong may pinaka-mababang boto.
Hindi ko nagustuhan ang unang season ng PBB pero sa apat na season: PBB1, Celebrity Edition, Teen Edition at itong PBB2, ang pinakauna ang enterteyning at totoo. Mas konsyus at de numero ang mga kilos ng mga hawsmeyt sa mga sumunod na season.
Wala akong mapiling apat sa pitong natitirang hawsmeyt. Si Bea, playing safe. Si Bodie, saling-pusa. Si Gee-Ann, dapat na-forced evict na sa weight limit rule pero nang nawarningan, inalis ang house rule. Si Wendy, na-evict, pinabalik pa. Si Bruce, may gf, may Wendy. Si Nel, lalaki. Si Mickey, alam ang lahat.
Marami ang natuwa, natawa at/o nainis kina Rob at Amber sa pinakahuling episowd ng The Amazing Race: All-Stars. Matapos ang tatlong sunod-sunod na 1st place sa unang tatlong leg, huling dumating sa pitstop ang pinakafeyvorit reality stars ng CBS. Ang naging dahilan ng pagkakaelimineyt nila ay ang maling ispeling ng "Philippines"!
Ang senado ay binubuo lamang ng 24 tao na syang kumakatawan sa buong bansa. Bagamat ang ilang sektor at rehiyon ng bansa ay walang representasyon dahil sa kakaunting pwesto, mula sa iisang pamilya ang ilan sa mga nakaupo dito.
Mayroon lang 14 slot para sa Pinoy Big Brother Season 2 kaya hindi maaaring mabigyan ng representasyon ang iba't ibang Filipino. Pero, utang na loob naman. Halos kalahati ng kasali ay may lahing banyaga o artistahin, at hindi diverse ang mga hawsmeyt. Lima ang Bisaya, 4 may titulo sa isang beauty competition, 3 ang dancer, 2 ang nursing student, 2 ang taga-UP etc.