Filipinayzd 2.0

Home » Tags

Buwan ng Pagpapahalaga sa Oras at Karapatan ng Kapwa

Wednesday, October 22, 2008

Idineclare ni PGMA ang buwan ng November na National Consciousness Month for Punctuality (pagrespect sa value ng oras) and Civility (pagrespect sa rights ng iba). Hangarin ng pag-oobserve ng okasyong ito na, mapromote ang pagbibigay ng importansya sa oras nang tuluyang ma-erase ang negative connotation ng “Filipino time”.

Heto ang episode 27 ng Tagalog Lesson: What time is it? ng Viloria.com Pinoy Podcast, akma para sa okasyong ito:  

Tanong: Anong oras na? (What time is it?)

Sagot:

  • English: “It’s ten minutes before seven” o “It’s ten to seven”
  • (Philippine English: [It’s] “[T]en minutes before seven” o [It’s] “[T]en to seven”)
  • Kastila: “Menos diez para alas siete”
  • Filipino: “Menos dyis para alas syete” o “Menos dyis bago mag-alas syete/seven”
  • Tagalog: “Sampung minuto bago sumapit ang ikapito ng umaga”
  • Pilosopo: “Menos balat para buto”
  • Mas pilosopo: “Oras na para bumili ka ng sarili mong relo”

Posted by filipinayzd at 3:52 PM | permalink | comments[1]

Bilyonaryong Mini

Friday, October 17, 2008

Inilabas na ang lista ng pinakamayayamang  tao sa Pilipinas ng Forbes Asia (ilalabas sa October 29 issue ng Forbes Asia magazine). Narito ang top 10:

  1. Henry Sy (may 3.1 bilyong dolyar) - may-ari ng pinakamalaking mall sa bansa at 29 iba pa, at ng ikalawang pinakamalaking banko sa Pilipinas (dun kaya naka-deposito ang lahat ng pera nya?)
  2. Lucio Tan at pamilya (may 1.5 bilyong dolyar) - sa kanya lang naman ang flag carrier ng bansa at pinakamalaking kompanya ng pangunahing sanhi ng lung cancer sa Pilipinas (M.M.M.M. pala sya)
  3. Jaime Zobel de Ayala at pamilya (may 1.2 bilyong dolyar) - may-ari ng Ayala Corp. at ang topnotcher last year (namulubi sya ng $800 milyon)
  4. Andrew Tan - 700 milyong dolyar
  5. Tony Tan Caktiong at pamilya - 690 milyong dolyar
  6. John Gokongwei Jr. at pamilya - 680 milyong dolyar
  7. Eduardo Cojuangco Jr. - 610 milyong dolyar
  8. Enrique Razon Jr. - 525 milyong dolyar
  9. George Ty at pamilya - 435 milyong dolyar
  10. Inigo at Mercedes Zobel - 430 milyong dolyar

Bumagsak sa ika-11 pwesto si Senate President Manuel Villar mula ika-5 na may 425 milyong dolyar na lang. Baka naubos sa pamasahe ng mga OFW na tinulungan nya kaya hayun sa #2 si Lucio Tan.

Posted by filipinayzd at 2:07 AM | permalink | comments[1]

Beautiful Boxer sa 24th SEA Games

Friday, December 14, 2007

filipina.jpg picture by filipinayzd 

Tulad ng bida sa pelikulang Beautiful Boxer, magandang lalaki pa ring bumaba sa ring si Godfrey Castro ng Philippine Boxing Team matapos magretire sa flyweight bout kontra kay Thailander Somjit Jongjohor nung Thursday sa ginaganap na 24th SEA GAMES sa Korat, Thailand. Iyon ay bilang protesta sa unfair na pagjujudge sa ginanap na Women's Boxing finals kung saan natalo ang mga boksingera ng Pilipinas, maliban sa isa, laban sa mga pambato ng host country.

Lima pang kabaro ang sumunod sa yapak ni Castro na ikinashock ng mga manonood. Tanging si Larry Semillano lang ang lalaking humarap subalit expected na napaluhod sa Olympic champion at Asian Games gold medallist na si Manus Boonjamnong sa puntos na 10-4 sa light-welter bout.

Posted by filipinayzd at 11:27 PM | permalink | comments[1]

Yahoo!

Saturday, October 20, 2007

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Posted by filipinayzd at 5:59 AM | permalink | comments[1]

First Filipino torch bearer for the first time since the 1964 Tokyo Olympics

Sunday, October 14, 2007

Hope you can help me be the first Filipino torch bearer for the first time since the 1964 Tokyo Olympics. It is said that the first and only time a Filipino held the torch was during the 1964 Tokyo Olympics 44 years ago. If he doesn’t carry it now, we may not have a Filipino in the next 50 years as it may take awhile again before the Olympics are held in Asia. Winning an Olympic gold has been elusive for the Philippines. This is an opportunity to unify all Filipinos towards a single golden Olympic cause. - Marcos Antonio Torres

Go Philippines! Go for the GOLD! (Time is gold. May less than 18 hours ka na lang para BUMOTO.) 

Posted by filipinayzd at 5:42 AM | permalink | comments[1]