Sa bisa ng Republic Act No. 9495, iisplitin sa dalawa kapag aprubahan ng gagawing plebisito sa October ang ga-rehiyon sa laking probinsya: Quezon del Norte at Quezon del Sur. Ganap na naging batas ang bill nung September 07, 2007 matapos hindi pirmahan ng Presidente.
Mahihiwalay sa mas mayaman sa natural resources at ekonomiyang Quezon del Norte ang Agdangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Pitogo, San Andres, San Francisco, San Narciso, Unisan, Alabat, Atimonan, Calauag, Guinayangan, Gumaca (magiging kapitolyo ng Quezon del Sur), Lopez, Perez, Plaridel, Quezon at Tagkawayan. Kabilang sa Quezon del Norte ang Burdeos, General Nakar, Infanta, Jomalig, Lucban, Mauban, Pagbilao, Panukulan, Patnanungan, Polillo, Real, Sampaloc, Syudad ng Tayabas, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong at Syudad ng Lucena (kapitolyo).
May mga bentahe at disbentahe ang pag-iisplit o pagchochopchop ng isang teritoryo tulad ng isang probinsya o distrito. Dadami ang kita ng mga tagagawa ng mapa, at dadami ang pwesto sa gobyerno.
(more…)
Para masolusyunan ang problema, nung 1970s crineate ang Bicol River Basin Development Project (BRBDP) na may pondong P1.5 bilyon mula sa USAID. Kumonstruct ng cut-off channels sa Canaman at Gainza, Camarines Sur para mapabilis ang pagbuhos ng baha palabas sa San Miguel bay. Pinakialaman ang natural na daloy ng ilog. Pazigzag-zigzag kasi ang course ng Bicol river kaya mabagal ang paglabas ng tubig. Matapos ang proyekto nung 1980s, malaki ang naging epekto nito: ang pagkaka-isolate ng ilang barangay dahil sa pagkaka-create ng islets sa ilog, pagpasok ng tubig dagat sa mga palayan, erosyon ng pampang ng ginawang kanal, at pagdami ng soil particles na nadadala ng ilog sa San Miguel bay na nagpababa sa mga nahuhuling isda dun.
Makikita sa mapa ang cut-off channels sa Canaman (pa-vertical sa unang islet na korteng sapatos, pa-diagonal sa ikalawang maliit na islet na korteng lemon) nasa pagitan ang “Libmanan” at “Magarao.” Mas malapad na ang mga ito ng ilang beses sa kanal sa Gainza (pa-diagonal hanggang bottom left corner ng mapa.) Fifteen meters lang ang original na sukat nito nun pero ngayon umaabot na ito sa 70 meters.
(more…)
Headline ng Inquirer ngayon: “Lumad” want self-rule, too
Good News: lahat ng province sa Bikol except Catanduanes, may update!
Sa Camarines Norte, pwede nang maview ang Mercedes and Calagua Islands; sa Camarines Sur, Caramoan, Presentacion and Lagonoy Gulf (hehe); sa Albay, Bacacay and Manito; sa Sorsogon, Castilla, Sorsogon City and Sorsogon Bay (hehe); at sa Masbate, San Pascual (Burias Island), Burias Pass (hehe), San Fernando-Batuan (Ticao Island), Ticao Pass (hehe) and Dimasalang-Palanas (Masbate Island).
Last time na nagkaroon ng update sa Bicol, 7 months ago pa.
Nakonvert na bilang isang syudad ang Naga, Cebu nung Sunday matapos ang isang plebisito - 13,823 - 789 boto. Nung July lang, naging mga syudad ang mga bayan ng Bogo at Carcar, Cebu. Ang Naga City na ang ika-9 na syudad ng Cebu.
Sa Local Government Code of 1991, ang mga syudad ay binibigyan ng espesyal na trato sa pamamagitan ng mas malaking syeyr mula sa internal revenue allotment (IRA) na nagiging bahagi ng budget ng syudad. Subalit may 10ng problemang maaaring kaharapin ang isang syudad, ayon sa Neighborhood Association of Poblacion, Naga, Cebu Inc. (Napnaci), isang grupong tumutol sa pagiging syudad ng Naga, Cebu:
Rising unemployment; starvation and malnutrition; environmental degradation; lack of cleanliness and sanitation; air pollution; insufficient supply of potable water; lack of protection of the consuming public; an uncontrollable price increase of basic commodities; graft and corruption; and rising drug-related crimes.
Walo sa mga syudad sa Pilipinas ang may kaparehong pangalan: Naga (ng Camarines Sur at Cebu), bukod sa 1 pang bayan sa Zamboanga Sibugay), San Carlos (ng Negros Occidental at Pangasinan), San Fernando (ng La Union at Pampanga, bukod sa 5 pang bayan sa Bukidnon, Camarines Sur, Cebu, Masbate at Romblon), at Talisay (ng Cebu at Negros Occidental, bukod sa 2 pang bayan sa Batangas at Camarines Norte).