Kung magbabakasyon kayo sa darating na Christmas at New Year, at walang dalang regalo, i-greet nyo na lang ang mga inaanak, kapamilya o kabarkada nyo sa kanilang wika:
Narito ang iba’t ibang halimbawa ng 1) klaster o nagkukumpulang mga konsonant o katinig sa isang salita ng Filipino, at 2) kambal-katinig o dalawang konsonant sa loob ng isang silabol o pantig ng Tagalog. Pakatandaan na ang letrang ng ay ikinokonsider na letra sa Filipino at Tagalog.
Sa mga panahong nauso ang mga salitang Filipino na may banyagang letra tulad “jolog“, “japorms” at “fafa” hanggang sa kasalukuyan, limitado lang ang paggamit ng mga ito sa scientific at technical terms at mga katutubong wikang Pilipino na may mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x at z tulad ng “ifun“, “masjid“, “vinta” at “azan“. Taong 2007 nang ipinatigil ang paggamit sa apat na ponetikong letra sa alpabetong Filipino. Sa madaling salita, simula 1976 hanggang 2008 (maliban nung 2001 hanggang 2007 para sa mga ponetikong letrang f, j, v at z), nananatiling dekorasyon sa alpabeto ang walong letra nito.
(more…)
Winners: Filipina Writing Project
As chosen by judges, the following are the most liked entries and won US$100 each.
The following won US$100 in the raffle:
For the SEO competition part, the following won US$100:
For those who made it in the shortlist, the following got:
Waaaaaah!!!
ANG ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA* (Naka-pdf)
*Ang patnubay na ito ay binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino pagkatapos ng serye ng mga konsultasyon sa buong bansa noong 2006-07 para rebyuhin ang ortograpiyang Filipino. Maaaring magpadala ng komentaryo, katanungan, pusisyon at mungkahi tungkol sa patnubay na ito sa rnolasco_upmin@yahoo.com. Sisikapin ng KWF na ilabas ang pinal na bersyon ng patnubay bago matapos ang 2007. May bahagi ng proyektong ito na pinondohan ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (NCCA).
I. MGA GRAPEMA. Ang mga pasulát na símboló o grapéma, kabílang ang mga létra at dí-létra, at tuntúnin ang tumutúkoy sa ortógrapíya ng wíkang pámbansâ sa binuông patnúbay na itó. Sa nakáraán (2001) at kasalukúyang patnúbay (1987), nakátuôn lámang sa mga létra o alpabéto ang tinatáwag na set ng símbolóng ginagámit sa paglilípat sa nakásúlat na anyô ng sinásalitáng wíkà. Díto ay binigyáng diín ang paggámit ng mga dí-létrang grapéma.