Filipinayzd 2.0

Home » Tags

Yahoo!

Saturday, October 20, 2007

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Posted by filipinayzd at 5:59 AM | permalink | comments[1]

Ba’t dito, walang napikon?

Wednesday, October 10, 2007

Sa wakas, nahanap ko rin 'tong video na 'to:

Pinapalitan ko kasi yung binili kong pirated DVD na Pirate Master na kulang ng 4 na episodes. Wala akong mapiling kapalit, 30Rock na lang yung kinuha ko kahit na hindi ako mahilig sa mga sitcom. Ayun! Episode 1, ekstra agad ang Pilipinas. Bakit kaya walang napikon dito? I-Wikipedia mo na lang kung ano 'tong sitcom na 'to.

(more…)

Posted by filipinayzd at 1:59 AM | permalink | comments[5]

Kongratyuleysyons Reymond at Aria!

Tuesday, August 7, 2007

RP wins top prizes in Hollywood OlympicsKongratyuleysyons Reymond Sajor at Aria Clemente sa pagkakapanalo sa Ika-11ng World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood.

Si Reymond, naging faynalist sa Philippine Idol ng ABC 5, ang Grand Champion of the World mula sa Vocal Senior Division. Nakatunggali nya ang kapwa Pinoy na si Raki Vega, tsampyon sa Born Diva ng ABS-CBN 2, at tatlo pa mula sa Haiti at South Africa. Si Aria, naging faynalist sa Little Big Superstar ng ABS-CBN 2, ang Overall Grand Champion of the World sa Junior Division mula sa Vocal Junior Division o ang dabest sa mga tsampyon ng mga kategoryang vocal, dance at modelling.

Lastyir, umabot sa Grand Finals sina Jonalyn Viray, naging tsampyon sa Pinoy Pop Superstar ng GMA 7, at Brennan Espartinez, naging faynalist sa PPS din, para sa Vocal Duo Senior Division (mula Trinidad and Tobago ang nanalo), Kim Trizia Fortuny Flores para sa Vocal Junior Division (mula Kazakhstan ang nanalo), Jeremie Antiporda-Oyson para sa Vocal Senior Division (mula USA ang nanalo) kung saan siya ang Overall Female Champion of the World, at ang Cercados Sisters, faynalist sa Fam Jam ng QTV 11, ang tinanghal na Grand Champion of the World para sa Vocal Group Junior Division.

(more…)

Posted by filipinayzd at 1:38 AM | permalink | comments[1]

Sister Act 3 syinusyut sa Pilipinas!

Monday, August 6, 2007

 

Ipinalabas sa ABS-CBN kagabi ang Sister Act ni Whoopi Glodberg. May tsismis na may part 3 ang pelikulang ito at kasalukuyang syinusyut dito sa Pilipinas!

Holy @#%^! May Survivor Asia na may Sister Act 3 pa!

(more…)

Posted by filipinayzd at 7:48 PM | permalink | Add comment

Pinaka-seksing vejiteyryan

Wednesday, June 13, 2007

 Makulay ang buhay sa sinabawang gulay!

Ewww.

May nagaganap na botohan para sa World's Sexiest Vegetarian Celebrity dito. Ang ilan sa pagpipilian ay ang dating American Idol na si Carrie Underwood, sina Alicia Silverstone, Joaquin Phoenix, Tobey Maguire atbp.

Ang mga Pinay na sina Alicia Mayer, Chin Chin Gutierez, Isabel Roces, Raya Mananquil, Yasmien Kurdi at Raymond Bagatsing ay kasama sa kategoryang "International". Magkahiwalay ang mga lalaki at babae.

Ilan sa mga dating tinanghal na pinaka-seksing vejiteyryan ay sina Josh Hartnett, Prince, Alicia Silverstone, Natalie Portman, Tobey Maguire, Shania Twain.

Boto na! Go-go-goolay!

Posted by filipinayzd at 12:44 PM | permalink | Add comment