Filipinayzd 2.0

Home » Archives » September 2008 » Page 2

Don’t mess with Inang Kalikasan

Monday, September 8, 2008
Pagbaha ang kinokonsider na isa sa mga pangunahing hadlang sa debelopment ng Bicol region. Maraming mga munisipalidad ang lumulubog, properties ang nadadamage, mga pananim ang nabubulok, at mga buhay ang nabubuwis sa pag-overflow ng ilog.

Para masolusyunan ang problema, nung 1970s crineate ang Bicol River Basin Development Project (BRBDP) na may pondong P1.5 bilyon mula sa USAID. Kumonstruct ng cut-off channels sa Canaman at Gainza, Camarines Sur para mapabilis ang pagbuhos ng baha palabas sa San Miguel bay. Pinakialaman ang natural na daloy ng ilog. Pazigzag-zigzag kasi ang course ng Bicol river kaya mabagal ang paglabas ng tubig. Matapos ang proyekto nung 1980s, malaki ang naging epekto nito: ang pagkaka-isolate ng ilang barangay dahil sa pagkaka-create ng islets sa ilog, pagpasok ng tubig dagat sa mga palayan, erosyon ng pampang ng ginawang kanal, at pagdami ng soil particles na nadadala ng ilog sa San Miguel bay na nagpababa sa mga nahuhuling isda dun.

Makikita sa mapa ang cut-off channels sa Canaman (pa-vertical sa unang islet na korteng sapatos, pa-diagonal sa ikalawang maliit na islet na korteng lemon) nasa pagitan ang “Libmanan” at “Magarao.” Mas malapad na ang mga ito ng ilang beses sa kanal sa Gainza (pa-diagonal hanggang bottom left corner ng mapa.) Fifteen meters lang ang original na sukat nito nun pero ngayon umaabot na ito sa 70 meters.
(more…)

Posted by filipinayzd at 5:10 AM | permalink | comments[184]

Goodluck sa mga altetang Pilipino!

Goodluck sa mga altetang Pilipino sa 2008 Beijing Olympics: Mark Javier (archery); Henry Dagmil at Marestella Torres (long jump); Henry Tañamor (boxing); Miguel Molina, James Walsh, Ryan Arabejo, Daniel Coakley at Christel Simms (swimming); Rexel Ryan Fabriga at Sheila Mae Perez (diving); Tshomlee Go at Mary Antoinette Rivero (taekwondo); Eric Ang (trap shooting); at Hidilyn Diaz (weightlifting).

Simula ng jumoin ang kauna-unahang Pilipinong Olympian na si David Nepomuceno 1924 sa Paris, hindi pa nakakasungkit ng gold medal ang mga atletang Pilipino. Bagamat maipagmamayabang ng bansa ang karangalan bilang kauna-unahang [nasyon] delegado mula sa Southeast Asia na nakakuha ng Olympic medal bronze sa Swimming (200m breaststroke Men) ni Teofilo Yldefonso sa 1928 Amsterdam Games.

Pinaka-successful ang Pilipinas sa Boxing na may limang medalya, 2 dito ay silver ni Anthony Villanueva sa 1964 Tokyo Games at Mansueto “Onyok” Velasco sa 1996 Altlanta Games, at 5 ay bronze. Sa 1932 Los Angeles Games pinakamaraming napanalunang medalya ng Pilipinas — 3 bronze ni Simeon Toribio (Men’s high jump-Athletics), Jose Villanueva (Men’s bantamweight-Boxing) , at Teofilo Yldefonso (Men’s 200 m breaststroke-Swimming).
(more…)

Posted by filipinayzd at 4:56 AM | permalink | comments[188]

Ika-1000 artikulo para sa Bikol Wikipedia

Saturday, September 6, 2008
Naka-1000 artikulo na ang Bikol Wikipedia sa pagkaka-create ng tamboan na artikulong Apolonio Sto. Tomas, isang Bikolanong writer, orator at ang author ng Macauiuiling Caaguihan can Ladauan ni Nuestra Señora de Peña Francia.

Sa libro ni Danilo Gerona na Canaman Through Four Centuries na ni-launch nung August, malapit na political ally ni Mariano Villafuerte si Apolonio dahil sa galing nito sa pagsusulat at pagtatalumpati.
(more…)

Posted by filipinayzd at 5:08 AM | permalink | comments[179]

Si Dato at ang Dayo

Bilyon-bilyong regalo ang dinala ni CamSur Rep. Dato Arroyo sa kanyang distrito sa ika-34 birthday nya nung Thursday: $28 milyon para sa isang biomass power plant (BPP) sa Minalabac, P129 milyon para sa Bicol River Basin and Water Management Project (BRBWMP) , P800 milyon para sa Libmanan-Canaman bridge, P700 milyon para sa Libmanan-Cabusao irrigation at dam, P600 milyon para sa embankment at flood gates sa Bicol River sa Libmanan at Cabusao, at P1 milyon para sa communication system ng Bicol Sanitarium sa Cabusao.

Mapapanood na sa December ang kauna-unahang all-digital full-length animated feature film sa Pilipinas, ang “Dayo“. Heto ang patikim:

“Dayo” ang bansag kay Dato nung kumandidatong Congressman sa 1st district. Nag-stay sya sa probinsya nung lumipat sa Ateneo de Naga para tapusin ang college. Malaki naman ang papel ng mga animators ng Naga sa digital-animated film.

Posted by filipinayzd at 5:01 AM | permalink | comments[147]