Filipinayzd 2.0

Home » Archives » September 2008

Nuffnang PH mo!

Thursday, September 25, 2008

Contrary to popular belief, it is truly possible to earn through online advertising even if your site traffic is low. Check out Nuffnang.com, Asia’s first and leading blog advertising community.

“Good enough” ang ibig sabihin ng salitang nuffnang sa Jafaican o Jafaikan, isang diyalekto ng English sa London na ginagamit ng mga yuppies. Ang iba pang halimbawa ng mga salitang Jafaican:

  • yard - bahay (galing ito sa “back yard”)

  • blad/bredren/bruv - barkada (mula sa “blood” brother)
  • yute - kabataan (mula sa “youth”)
  • ends - kumunidad, lugar
  • buff - maganda/gwapo
  • sick - mabuti
  • deep - bastos
  • begging - nagsasalita nang walang saysay
  • jamming - tumatambay
  • hype - ma-excite
  • chat - kumontra sa sinasabi
  • bare - madami (galing sa “very”)

(more…)

Posted by filipinayzd at 3:24 PM | permalink | comments[9]

Quezon iisplitin

Monday, September 15, 2008

Sa bisa ng Republic Act No. 9495, iisplitin sa dalawa kapag aprubahan ng gagawing plebisito sa October ang ga-rehiyon sa laking probinsya: Quezon del Norte at Quezon del Sur. Ganap na naging batas ang bill nung September 07, 2007 matapos hindi pirmahan ng Presidente.

Mahihiwalay sa mas mayaman sa natural resources at ekonomiyang Quezon del Norte ang Agdangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Pitogo, San Andres, San Francisco, San Narciso, Unisan, Alabat, Atimonan, Calauag, Guinayangan, Gumaca (magiging kapitolyo ng Quezon del Sur), Lopez, Perez, Plaridel, Quezon at Tagkawayan. Kabilang sa Quezon del Norte ang Burdeos, General Nakar, Infanta, Jomalig, Lucban, Mauban, Pagbilao, Panukulan, Patnanungan, Polillo, Real, Sampaloc, Syudad ng Tayabas, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong at Syudad ng Lucena (kapitolyo).

May mga bentahe at disbentahe ang pag-iisplit o pagchochopchop ng isang teritoryo tulad ng isang probinsya o distrito. Dadami ang kita ng mga tagagawa ng mapa, at dadami ang pwesto sa gobyerno.
(more…)

Posted by filipinayzd at 5:06 AM | permalink | comments[1]

Si Laarni nga!

Sunday, September 14, 2008

Si Laarni Lozala nga ang dineclare na Grand Star Dream ng Pinoy Dream Academy Season 2. Nakakuha sya ng pinakamaraming text votes, 651,696 o 35.21% ng kabuuang tally ng mga boto. Sumunod ang susunod na Nora Aunor na may 549,716 text votes o 29.7%, si Bugoy Bogayan, at ang dating magiging kauna-unahang Philippine Idol na may 253,412 text votes o 13.69%, si Miguel Mendoza.

Base sa mga pumapasok na boto bago ang announcement, ang prediction ko: Laarni-Bugoy (dahil sa talento at istorya) para sa una at ikalawang pwesto, Miguel (Mr. C minus talento)-Van (Direk minus talento)-Liezel (talento minus istorya) para sa ikatlo hanggang ikalima, at Cris (swerte) last.
(more…)

Posted by filipinayzd at 5:10 AM | permalink | Add comment

Filipino 101: Halimbawa ng Klaster at Kambal-Katinig

Saturday, September 13, 2008

Narito ang iba’t ibang halimbawa ng 1) klaster o nagkukumpulang mga konsonant o katinig sa isang salita ng Filipino, at 2) kambal-katinig o dalawang konsonant sa loob ng isang silabol o pantig ng Tagalog. Pakatandaan na ang letrang ng ay ikinokonsider na letra sa Filipino at Tagalog.

  • blangko - 1) bl at ngk, 2) bl
  • blakbord - 1) bl, kb at rd, 2) bl at rd
  • braso - 1 at 2) br
  • bwisit - 1 at 2) bw
  • byuti - 1 at 2) by
  • droga - 1 at 2) dr
  • dyosa - 1 at 2) dy
  • fraterniti - 1) fr at rn, 2) hindi salitang Tagalog
  • fyutsur - 1) fy at ts  2) hindi satlitang Tagalog
  • granada - 1 at 2) gr

(more…)

Posted by filipinayzd at 2:31 AM | permalink | comments[52]

Porsil: ICE TUBIG

Tuesday, September 9, 2008
Galing sa gmanews.tv

Out na ang softdrinks at samalamig! Ito na ngayon ang nangungunang pamatid-uhaw ng mga Pilipino. Pero pati ice tubig, nagprice increase na din. Mula piso, ngayon P2.00 na ang bawat isa nito. Meron ding mangilan-ilang bumebenta sa presyong P1.50 sa tindi ng kompetisyon.

Posted by filipinayzd at 5:12 AM | permalink | Add comment