Filipinayzd 2.0

Home » Archives » June 2008 » Page 2

C, Ñ, Q at X

Wednesday, June 4, 2008
Mahigit sampung taon na ang nakakaraan nang gawing 28 mula sa dating 31 nung 1976 ang bilang ng letra sa alpabetong Filipino (Pilipino mula 1959-1973, Wikang Pambansa mula 1937-1959). Taong 1937 nung piliin bilang basehan ng pambansang wika ang Tagalog sa tawag na Wikang Pambansa na may 20 letra. Taong 2001 nung kauna-unahang opisyal na nagamit sa mga salitang na isina-Filipino ang apat sa walong natirang banyagang letra (c, f, j, ñ, q, v, x at z) sa makabagong alpabeto. Ang mga “letra” o degraph na ch, ll at rr ang tatlo pang banyagang letra sa alpabeto bago ang 1976.

Sa mga panahong nauso ang mga salitang Filipino na may banyagang letra tulad “jolog“, “japorms” at “fafa” hanggang sa kasalukuyan, limitado lang ang paggamit ng mga ito sa scientific at technical terms at mga katutubong wikang Pilipino na may mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x at z tulad ng “ifun“, “masjid“, “vinta” at “azan“. Taong 2007 nang ipinatigil ang paggamit sa apat na ponetikong letra sa alpabetong Filipino. Sa madaling salita, simula 1976 hanggang 2008 (maliban nung 2001 hanggang 2007 para sa mga ponetikong letrang f, j, v at z), nananatiling dekorasyon sa alpabeto ang walong letra nito.
(more…)

Posted by filipinayzd at 4:45 AM | permalink | comments[93]