Filipinayzd 2.0

Home » Archives » April 2008

Magayon

Tuesday, April 29, 2008
Kung orágon ang description sa anghang ng sili at kredibilidad ng isang Bikolano, magayón naman ang para sa perpektong hugis ng Mayon Volcano at kagandahan ng isang dalagang Bikolana. Dito galing ang pangalan ng Mayon volcano, ang isa sa mga simbolo ng rehiyon, na nangangahulugan “maganda”.

Ginanap nitong buwan ng April sa probinsya ng Albay ang Magayon Festival na nagtapos sa Festival of Festivals Showdown, isang regionwide street dancing competition ng iba’t ibang festivals mula sa 6 probinsya at 6 syudad sa Bicol. Lapay Festival ng Masbate City ang nagchampion.

Pictures ni: marbleplaty

Posted by filipinayzd at 4:24 AM | permalink | comments[81]

Vista Pinas: Iriga City

Monday, April 28, 2008

Philtranco Transport Heritage Museum

Makikita sa Iriga City ang museum ng Philtranco, dating ALATCO (Albert Louis Ammen Transportation Company), ang first at oldest bus company sa Pilipinas. Byaheng Iriga-Naga ang kauna-unahang rota nito nung July 1914.

Posted by filipinayzd at 4:27 AM | permalink | comments[63]

Vista Pinas: Camarines Sur

Sunday, April 27, 2008

Vista Pinas ang isa sa mga blogs na regular kong binibisita. Finifeature dito ang iba’t ibang Filipino sights gamit ang satellite images ng Google Maps. Although nung 2006 pa sinimulan ang blog na ito at madami na ding lugar na may high resolution sa Bicol, 3 pa lang ang naififeature ni Eugene: Cagsawa Ruins, Lignon hill at Albay Park and Wildlife, lahat sa probinsya ng Albay.

Inask ko sya na ifeature ang Lahuy Island, (ang akala ko, ito yung location ng French Survivor na Koh Lanta) at wiling naman sya. Heto ang ibang sights sa Bicol na pwedeng makadagdag sa koleksyon nya:

Gota Beach, Caramoan - location ng Survivor

Makikita sa picture ang beach sa Matukad Island (ang pinakamalaking isla sa mapa).
(more…)

Posted by filipinayzd at 4:17 AM | permalink | comments[93]

Maiimpluwensyang blogs ng 2008

Friday, April 25, 2008

May part 2 ang click na writing project ni Janette Toral nung 2007.

Napakaaga pa para makapili ng sampung blogs na magiging pinaka-maiimpluwensya ngayong 2008. Pero sa opinyon ko lang, ang kontrobersyal na blog na The NOT So Talented Mr. Montano? (dating The Talented Mr. Montano) na ngayon pa lang maimpluwensya na, ang nangunguna sa Top 10 Emerging Influential Blogs in 2008.

1. The NOT So Talented Mr. Montano? ni Brian Gorrell

Maghahanap pa ako blogs na kukumpleto sa sampu.

Sa mga interesado, gawa kayo ng lista bago mag-July 26 at magkakaroon kayo ng chance na manalo ng $100 sa August 1. Yan kung may Paypal ka. Kung wala, pareho tayo. Haha

2. CARAMOAN PENINSULA: Philippine’s Secret Paradise ni Myra Roces - Come South, CamSur. Paki-add neto sa list nyo kung di pa kompleto.

Posted by filipinayzd at 4:15 AM | permalink | comments[50]

2nd part ng Bubble Gang sa CamSur

Wag nyong kalimutang panoodin ang 2nd part ng Bubble Gang sa Camarines Sur ngayong gabi sa GMA 7.

Enkaso na-miss nyo yung 1st part na pinalabas last week, heto ang links ng episode na yun:

Part 1 - Part 2 - Part 3
Part 4 - Part 5 - Part 6

Credits: Saint Karl para sa picture at Newsmaker11 para sa videos

Posted by filipinayzd at 4:13 AM | permalink | comments[192]

Reapportionment ng mga distrito sa CamSur

Thursday, April 24, 2008

Sa ngayon, may 4 na distrito ang Camarines Sur. Base sa 2007 Census, 1,693,821 ang populasyon nito at eligible ng dalawa pang legislative districts.

Makikita sa picture ang present districts (itaas) at proposal ko sa reapportionment ng mga distrito ng probinsya (ibaba):

First District (blue) - kino-compose ng Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan (highlighted), Pamplona at Pasacao ang 1st District. Libmanan ang pinaka-centro nito na tinitirhan ng 31.67% ng 293,156 combined population ng distrito. Dati nang nasa 1st District o “River/Railroad District” ang mga nabanggit na munisipalidad.

Second District (yellow) - kino-compose ng mga munisipalidad na dati nang nasa 2nd District o “Central Bay”: Calabanga (highlighted), Bombon, Magarao, Canaman at Camaligan, Cabusao (mula sa 1st District), at Siruma at Tinambac (3rd District). Calabanga ang magiging pinaka-centro nito na may populasyong 73,333 o 28.64% ng combined population ng district (256,031).

Malaki ang potensyal ng Libmanan at Calabanga na maging syudad ng probinsya sa loob ng ilang taon. (more…)

Posted by filipinayzd at 4:11 AM | permalink | comments[91]

KSP kay Kongresman

Census nung 2007 ng blinog ni Willy ng Nagueño ang proposal nya sa pag-redistrict ng Camarines na eligible na ng 6 legislative districts base sa populasyon na 1,551,549 (2000 Census). Heto ang mapa ng original proposal nya bago. After na mabasa ang comment ko, heto ang ni-revise na proposal nya.

Sa 1987 Constitution Article VI, Sec. 5 (1-2) , sinasabing 250 ang maximum na numero ng district representatives hindi kabilang ang party-list representatives na 20% ng total number of district representatives (o maximum na 50 myembro). Ang requirements para sa isang legislative district: kailangang binubuo ng magkakalapit na teritoryo, at may minimum population na 250,000 [Sec. 5 (3-4)]. After ng ginawang census, may 3 years ang Congress na asikasuhin ang hati ng mga distrito.

Ni-release nung April 16 ang resulta ng 2007 Census at ang kwenta ni Isagani ng Skyscrapercity, posibleng umabot sa 313 kung estriktong susundin ang minimum na 250,000 population at kung hindi limitado sa 250 districts. Sa ngayon may 219 nang kongresman. (more…)

Posted by filipinayzd at 4:10 AM | permalink | comments[270]