Filipinayzd 2.0

Home » Archives » December 2007

Beautiful Boxer sa 24th SEA Games

Friday, December 14, 2007

filipina.jpg picture by filipinayzd 

Tulad ng bida sa pelikulang Beautiful Boxer, magandang lalaki pa ring bumaba sa ring si Godfrey Castro ng Philippine Boxing Team matapos magretire sa flyweight bout kontra kay Thailander Somjit Jongjohor nung Thursday sa ginaganap na 24th SEA GAMES sa Korat, Thailand. Iyon ay bilang protesta sa unfair na pagjujudge sa ginanap na Women's Boxing finals kung saan natalo ang mga boksingera ng Pilipinas, maliban sa isa, laban sa mga pambato ng host country.

Lima pang kabaro ang sumunod sa yapak ni Castro na ikinashock ng mga manonood. Tanging si Larry Semillano lang ang lalaking humarap subalit expected na napaluhod sa Olympic champion at Asian Games gold medallist na si Manus Boonjamnong sa puntos na 10-4 sa light-welter bout.

Posted by filipinayzd at 11:27 PM | permalink | comments[1]