Filipinayzd 2.0

Home » Archives » September 2007

Ang Ortógrapíya ng Wíkang Pámbansâ: Komentáryo, Katanúngan, Pusisyón at Mungkáhì

Tuesday, September 25, 2007

ANG ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA* (Naka-pdf)


*Ang patnubay na ito ay binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino pagkatapos ng serye ng mga konsultasyon sa buong bansa noong 2006-07 para rebyuhin ang ortograpiyang Filipino. Maaaring magpadala ng komentaryo, katanungan, pusisyon at mungkahi tungkol sa patnubay na ito sa rnolasco_upmin@yahoo.com. Sisikapin ng KWF na ilabas ang pinal na bersyon ng patnubay bago matapos ang 2007. May bahagi ng proyektong ito na pinondohan ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining (NCCA).

I. MGA GRAPEMA. Ang mga pasulát na símboló o grapéma, kabílang ang mga létra at dí-létra, at tuntúnin ang tumutúkoy sa ortógrapíya ng wíkang pámbansâ sa binuông patnúbay na itó. Sa nakáraán (2001) at kasalukúyang patnúbay (1987), nakátuôn lámang sa mga létra o alpabéto ang tinatáwag na set ng símbolóng ginagámit sa paglilípat sa nakásúlat na anyô ng sinásalitáng wíkà. Díto ay binigyáng diín ang paggámit ng mga dí-létrang grapéma.

(more…)

Posted by filipinayzd at 9:39 PM | permalink | comments[8]

Ang mamatay nang dahil sa’yo, baby

Tuesday, September 18, 2007

Buti na lang at hindi na si Marcos ang presidente ng Pilipinas.

(more…)

Posted by filipinayzd at 5:28 PM | permalink | comments[5]

Resulta ng Wika 2007

Thursday, September 6, 2007

Grand Prayz: Tungo sa pagbabanyuhay ni Ding Fuellos

Ika-2ng Prayz: Naykupu! ni Ynon

Ika-3ng Prayz: Ang Obra ni Feddie Marc S. Perez

Misteryosa Award:  

    1. ‘THE’ Filipino Language: WHAT THE HECK DOES THIS MEAN??? ni Frances Paola G. Doplon 
    2.
A Language We All Need to Learn ni Ayel

Participants’ Choice Award:  Pista ng Wikang Filipino/The Spectacle of the Filipino Language ni Marocharim

Consolation Prizes:

    1. Ang paradigm shift at ang mga erehe ng KWF ni Willy Prilles, Jr.
    2
Wika at Musika ni Garry Victor Urbi

Konggrats Willy!

 

Posted by filipinayzd at 7:14 PM | permalink | Add comment

Mga tigang sa halik sa Love Revolution

Wednesday, September 5, 2007

bosniakissrecord.jpg picture by filipinayzd

"Rayvalri" ng Pilipinas at Hungary sa paramihan ng sabayang halikan, tapos na? 

May 6,980ng magkapartner sa Tuzla, Bosnia ang naghalikan ng sabay-sabay sa loob ng sampung segundo bilang bahagi ng ika-15ng aniversari ng isang local radio station duon, upang burahin ang tatlong-buwang gulang na rekord ng Hungary (6,613), na nauna nang bumura sa rekord ng Pilipinas (6,124) nung February sa Lovapalooza.

Nagsimula ang "rayvalri" ng dalawang bansang uhaw sa halik nang burahin ng Pilipinas sa rekord na 5,239, ang 4,445 rekord ng Chile, sa pinaka-unang Lovapalooza nung 2003. Subalit makalipas lamang ang isang taon, binura agad ito ng Hungary sa 5,700 rekord nito.

Posted by filipinayzd at 3:08 AM | permalink | Add comment

Naga, Cebu, pinakabagong syudad

Monday, September 3, 2007

Nakonvert na bilang isang syudad ang Naga, Cebu nung Sunday matapos ang isang plebisito - 13,823 - 789 boto. Nung July lang, naging mga syudad ang mga bayan ng Bogo at Carcar, Cebu. Ang Naga City na ang ika-9 na syudad ng Cebu.

Sa Local Government Code of 1991, ang mga syudad ay binibigyan ng espesyal na trato sa pamamagitan ng mas malaking syeyr mula sa internal revenue allotment (IRA) na nagiging bahagi ng budget ng syudad. Subalit may 10ng problemang maaaring kaharapin ang isang syudad, ayon sa Neighborhood Association of Poblacion, Naga, Cebu Inc. (Napnaci), isang grupong tumutol sa pagiging syudad ng Naga, Cebu:

Rising unemployment; starvation and malnutrition; environmental degradation; lack of cleanliness and sanitation; air pollution; insufficient supply of potable water; lack of protection of the consuming public; an uncontrollable price increase of basic commodities; graft and corruption; and rising drug-related crimes.

Walo sa mga syudad sa Pilipinas ang may kaparehong pangalan: Naga (ng Camarines Sur at Cebu), bukod sa 1 pang bayan sa Zamboanga Sibugay), San Carlos (ng Negros Occidental at Pangasinan), San Fernando (ng La Union at Pampanga, bukod sa 5 pang bayan sa Bukidnon, Camarines Sur, Cebu, Masbate at Romblon), at  Talisay (ng Cebu at Negros Occidental, bukod sa 2 pang bayan sa Batangas at Camarines Norte).

Posted by filipinayzd at 5:54 PM | permalink | comments[1]