Filipinayzd 2.0

Home » Post Item » Maraming Wika, mas marami ang mabahong isda!

Maraming Wika, mas marami ang mabahong isda!

Friday, August 17, 2007

Paumanhin sa mga na-offend ng naunang title.

Ano nga ba ang nagbubuklod-buklod sa mga mamamayan ng kapuluang ito? Hindi, ang relihiyong Katolisismo. Hindi, ang gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi, si Kris Aquino. Hindi, ang Wowowee. Hindi, ang balut. Hindi ang Team Pilipinas. Hindi, ang Wikang Filipino.

Ang Canaman, isa sa pinakamatandang parokya at bayan sa Bicol at may pinaka-purong diyalekto ng Bikol ayon sa isang Heswitang linggwista, ay nagdiriwang ng ika-408ng fyesta nito ngayon. Simula nung August 6, gabi-gabi ang programa sa aming plaza.  Napaka-ironic ng mga programa. Wala gaanong pretty sa Pretty Boy. Iisa lang ang lumahok sa Miss Gay na mula sa Canaman at karamihan ay mula sa Naga City, may taga-Iriga City at Legazpi City pa. Kung gaano katagal nasundan ang Miss (nung 2003 yung huli) ganun din kahaba ang coronation night (dawn?) na inabot ng 6 na oras. Meron pang Little Lady of Assumption and Little Saint Roche, para naman sa mga bata, na inorganisa ng simbahan (asan ang irony dito?). Always present ang mayor para magbigay ng kanyang mensahe na iisa lang naman: Mahalaga para sa mga Canamanon ang pagiging isang komunidad, at ang “sense of community” ang nagbubuklod-buklod sa kanila noon pa man (kaya naman nung panahon ng mga Hapon, itinatag dito ang Tancong Vaca Guerilla Unit, isang hukbong bayan).

Walang maituturing na pagiging Filipino o isang Filipino bago ang taong naging ganap na bansa ang Pilipinas. Ang mga pulo ng Samar at Leyte lamang ang tinutukoy na Pilipinas sa panahon ni Ferdinand Magellan; mga kapuluan ng Luzon, Visayas, at bahagi ng Palawan at Mindanao sa panahon ng mga Kastila; at Katagalugan sa panahon ng kalayaan 1898. Ang buong kapuluan ay tinawag na Pilipinas sa mga panahon ng mga Hapon at Amerikano subalit naging makabuluhan lamang ang salitang Filipino bilang katawagan sa mga mamamayan ng buong kapuluan simula sa panahon ng kalayaan 1947 sa pamumuno ni Manuel L. Quezon, kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa.

Bahagi ng paghahanda sa pagiging ganap na bansa mula sa isang Komonwelt patungo sa isang Republika, noong 1938, binuo ang National Language Institute na mag-aaral sa mga wika ng kapuluan upang pumili ng magiging batayan ng pambansang wika. Hinirang ang mga kinatawan: ng mga wika sa Samar-Leyte (chairman) at Panay, ng mga wika ng Muslim, at ng mga wikang Iluko, Sinugbuanong BisayaBikol at Tagalog, ang piniling batayan kinalaunan. Naging ganap na pambansang wika ito makalipas ang dalawang taon at naging isa sa mga opisyal na wika kabilang ang Kastila at Ingles ng maging ganap na bansa ang Pilipinas o isang taon buhat ng maitatag ang United Nations.

  • Binuo ang United Nations matapos ang World War II na may hangaring makisangkot sa hidwaan ng mga bansa upang maiwasan ang digmaan. Bagamat mayroon lamang itong 51 orihinal na myembrong bansa na may iba't ibang wika, kultura at paniniwala (kabilang ang Pilipinas, Belarus, Ukraine at India na noon ay hindi ganap na malaya), lima ang opisyal na wika nito: Intsik, Ingles, Kastila, Pranses at Ruso (idinagdag ang Arabiko noong 1973 nang sumapi ang mga bansang nagsasalita nito).

Para sa bayang nagsisimulang tumayo sa sariling mga paa buhat sa pagkakalugmok ng halos apat na siglo ng pananakop ng mga dayuhan, ang pagkakapili ng iisang wika, ang katutubong wika ng mga Katipunero, mula sa mahigit 170 mga wika at diyalekto ay hindi naging magandang simulain upang pagbuklurin ang mga Filipino. Labin-isang taon ang nakalipas nang ipinakilala ang katawagang “Pilipino”, at labin-dalawang taon mula noon magpasahanggang ngayon ay “Filipino”, na tumutukoy sa pambansang wika na dahilan ng bahagyang pagtanggap dito.

  • Ang India, may mamamayang umaabot sa 1.13 bilyon, ay may 415 wika at diyalekto. Labin-dalawa dito ay opisyal: Assamese/Asomiya, Bengali/Bangla, Bodo, Dogri, Gujahari, Hindi, Kannada, Kashmiri, Konkani, Maithili, Malayam, Manipuri, Marathi, Nepali, Oriya, Punjabi, Sanskrit, Santhali, Sindhi, Tamil, Telugu at Urdu. Ang South Africa naman, may 47 milyong mamamayan, ay may 24 wika at labing-isa nito ay opisyal: Afrikaans, English, Southern Ndebele, Northern Sotho, Sotho, Swati, Tsonga, Tswanan, Venda, Xhosa at Zulu.  Samantala, ang United States na may mahigit 300 milyong populasyon at may 162 wika ay wala, 0 ang opisyal na wika.

Nais mang magsarili ng mga Filipino sa Cordillera at sa Muslim Mindanao subalit hindi dahil sa di-pagkakaroon ng pantay na estado ng kanilang mga wika (Maranao, Maguindanao, Tausog, Ibaloi, Kankanaey atbp.) sa wika ng mga katutubo sa Gitna at Timong Luzon (Tagalog sa anyong Filipino) kundi sa ibang kadahilanan. Ang hayagang pagtutol ng mga Cebuano sa pambansang wikang batay sa Tagalog o hindi naisasakatuparang katuturan ng Filipino ay malayong humantong sa pagsasarili nila.

Hindi isang malaking salik sa pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan o katatagan ng isang bansa ang wika (marami man o makaunti) bagkus ang kapayapaan, kaligtasan at kalayaang tinatamasa ng nila o nito.

Para sa Bikolanong Komisyuner:

Tagalog, Sugbuanon, Iluko, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray,
Kapampangan, Panggalatok, Kinaray-A,
Maguindanao, Maranao, Tausug - Maraming wika;
Matatag na bansa!

Para sa Bikolanong ako:

Isang wikang pambansa,
batay sa Tagalog na Pilipino,
ngayo'y Filipino;
Watak-watak na nasyon?

Para kay Jose Rizal:

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda!

Ako'y Isang Pinoy ni Florante at [ako]

Ako’y isang [Bikolanong] Pinoy sa puso’t diwa
Pinoy na isinilang sa ating bansa
Ako’y hindi sanay [noon] sa wikang mga banyaga [magin sa wikang pambansa]
Ako’y [Bikolanong] Pinoy na mayroong sariling wika[ng Bikol]
Wikang pambansa[ng binuo noong 1940] ang gamit kong salita [bukod sa sariling wika]
Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan

Si Gat. Jose Rizal noo’y nagwika [circa late-1800s]
Siya ay nagpangaral sa ating bansa [o bayan, kolonya ng Espanya ang Pilipinas noon]   
Ang hindi raw magmahal sa sariling wika [Bikol para sa mga Bikolano, Sugboanon para sa mga Cebuano atbp.]
ay higit pa ang amoy sa mabahong isda [isa itong figure of speech at/o fallacy]
Wikang pambansa[ng binuo noong 1940] ang gamit kong salita [bukod sa sariling wika]

Bayan kong sinilangan, hangad kong lagi ang kalayaan

Sanggunian: Wikipedia, Ethnologue, The World Fact Book, Tagalog 101, PC Planets at Youtube

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa

Sponsored by:
Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p're
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

Posted by filipinayzd at 4:21 AM | permalink

Previous Comments

ay okay na… naview ko na… makirepost na lang po sa PBS group blog (register, then log in, write, save)… salamat! :D

Posted by andianka at August 17, 2007, 4:34 am

Ang daming requirements. Hindi ko alam kung paano.

Posted by filipinayzd at August 17, 2007, 5:03 am

mahusay ang mensahe at maraming ingredients ang entry mo sa Wika2007 :) good luck!

Posted by timlight at August 20, 2007, 2:38 am

Great post. I love the title. Hehehe. But to put it in its proper context, I think Dr. Jose Rizal at that time was only referring to love for the Filipino language, not the existence of other Filipino languages.
Good point anyway!

Posted by Frances at August 21, 2007, 5:20 am

lemme ask you about Cebuano…

they say that when you are in Cebu, you speak Cebuano kasi when they are in Manil, they speak Tagalog.

what’s your take on it?

Posted by reyna elena at August 21, 2007, 9:39 am

It is but natural na matututuhan ng isang Filipino at magiging lingua franca ng mga Filipino ang Tagalog kahit na hindi ito ginawang (isa sa mga) official, medium of instruction at (tanging) national language (sa pormang Filipino) ng bansa dahil ito ang ginagamit ng media. Kung gaano katagal ito matututuhan (hindi official, medium of instruction at national language) ay ibang istorya na.

Hindi mo maririkwayr ang isang tao na magsalita, halimbawa ng Cebuano kapag nasa Cebu, unless merong batas na nagsasaad ng ganito. Iba ang kaso ng Tagalog. Natutuhan ng mga Filipino ang/(napadali ang pagkatuto ng mga Filipino ng) Tagalog dahil sa/(sa tulong ng) “pag-aangat” sa estado nito sa KAPWA mga katutubong wika, bukod ito (pa) ang ginamit ng media.

Kung meron national (free) television channel na, halimbawa Cebuano, hindi malayong matutuhan ng mga Filipino ang wikang ito. Kung tatangkilikin o hindi ng mga manonood o sponsors ang mga palabas sa istasyon ay ibang istorya na.

Posted by Filipinayzd at August 21, 2007, 2:39 pm

Nais mang magsarili ng mga Filipino sa Cordillera at sa Muslim Mindanao subalit hindi dahil sa di-pagkakaroon ng pantay na estado ng kanilang mga wika (Maranao, Maguindanao, Tausog, Ibaloi, Kankanaey atbp.) sa wika ng mga katutubo sa Gitna at Timong Luzon (Tagalog sa anyong Filipino) kundi sa ibang kadahilanan.

True. Iniisip ng iba na ang hidwaan ay dahil sa wikang gamit ng mga tao, pero kung lalaliman ang pag-aanalisa ay di rin naman totoo.

Salamat sa maikling kurso sa wikang Filipino. :)

Posted by Shari at August 23, 2007, 12:11 am

ito ay isang ambisyosong pahayag na wala namang malalim na batayan. sariling opinyon lamang ng sumulat na pumapaimbulag ang pagnanais na magmukhang magaling. paumanhin pero parang sa halip na magbigay ng pag-asa ay nagpapahiwatig pa ng kawalan ng patutunguhan. hindi tuloy nakakatulong sa kung anumang mabuting adhikain. katangahan siguro na banggitin mo pa ang sinabi ng komisyuner at ni rizal dahil ikaw mismo ay hindi nakakatulong.

Posted by ronald centeno at August 23, 2007, 4:41 pm

Salamat sa pagbasa.

Posted by Filipinayzd at August 23, 2007, 5:22 pm

“Ano nga ba ang nagbubuklod-buklod sa mga mamamayan ng kapuluang ito?” - Pwedeng nating pagpiyestahan ang tanong mong ‘to. Napakalalim at napakalawak ng mga pwedeng kasagutan.

Siguro ‘pag nasagot natin ang tanong na ‘to nang maayos, mas magkakaroon ng direksyon ang ating Inang Bayan.

Salamat nga pala sa comment mo sa entry ko.

Gracias,
LGC

Posted by Lester G Cavestany at August 25, 2007, 9:34 am

bicolano, uragon! ^_________^

Posted by spongebabe at August 28, 2007, 2:12 pm

May blog ka spongebabe? Taga-sain ka?

Posted by filipinayzd at August 28, 2007, 3:46 pm

Mula sa Pinoy Blogosphere:

jason | August 19th, 2007 at 5:40 pm
correct, correct. we have been living like rotten fish for the longest time for speaking not our native languages, but Tagalog. I’m referring to non-Tagalogs of course.

Posted by filipinayzd at August 28, 2007, 7:32 pm

hi filipinayzd. dati may blog ako, pero i had to take it down kasi di ko naaupdate. ^_^

taga-legazpi ako. ika? ^_^

Posted by spongebabe at August 30, 2007, 9:27 pm

..ang wikang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas..ang lengwaheng ito ang natutunan ng mga Pilipino.. kahit cebuana ka pa, o ano pa man alam mo ang wikang Filipino, dahil ito ang wikang ginagamit sa bansang Pilipinas, oo maraming katutubong wika ang Pilipinas kaya binago ang tagalog at ginawang Filipino upang magbigay galang sa mga katutubong wikang mayroon ang Pilipinas.. ang wikang Filipino ay ang wikang pinaunlad, dahil hindi lamang ito nakasalig sa iisang wika (ang tagalog) kundi sa lahat ng wikang mayroon ang Pilipinas.. ^-^

Posted by jaja at June 25, 2008, 7:27 pm

hello po musta na po kayo yun lang po bye…………………………………………………………………………………………………………..

Posted by shiela at July 7, 2009, 5:15 pm

Add a comment