Filipinayzd 2.0

Home » Post Item » Sa wakas, ang resulta…

Sa wakas, ang resulta…

Thursday, August 2, 2007

Sa totoo lang, hinintay ko ang resulta ng 10 Emerging Influential Blog. Ilang beses akong pabalik-balik sa blog ni Janette.

Panalo ang 14ng blog kabilang ang 11ng nag-top sa nomineysyon at 3ng iba pa, ang PinoyBlogero, Gibbs Cadiz at Confessions of a Hopeless Romantic

Ang 10ng maswerteng nabunot sa rafol na nanalo ng $100:

  1. Maryrose
  2. Sofia for BiSEAN
  3. J Angelo Racoma
  4. Heneroso
  5. Fruityoaty
  6. Annamanila
  7. Webbyman
  8. Marie Casas
  9. Mira
  10. Jehzeel Laurente

 

Ang swerte-swerte ni Massa P. ng Fruityoaty na nag-ika-7 sa writing project at ika-5ng nabunot sa rafol. At si Jehzeel na kahit na wala sa ranking at muntik nang di-makaatend o di-umatend, nanalo ng $100 at nakakuha pa ng $110.12 mula sa Adsense. (Sinubukan ko rin ang Adsense kaso wala yatang ad na magmamats sa blog ko kaya nirejekt.)

Gustuhin ko mang umatend, ang layo-layo ko. Pwede ko pa rin syang ma-meet. Nasa ADNU raw sya sa Saturday. Siguro, ininvayt para sa isang iskul projikt o seminar. Sabi ni Ducks, mga dating estudyante nya ang organayzer. Hindi ko alam kung anong inorganayz.


Posted by filipinayzd at 11:20 AM | permalink

Previous Comments

Yeah, I did get lucky eh? So, I’m the only one who placed in the Top 10 and also won $100 in the raffle. Whoo-hoo, beer money! ;)

Congrats to all the winners and to Janette Toral for a successful project!

Posted by FruityOaty at August 2, 2007, 12:25 pm

hahaha.. yearh fruityoaty is very lucky indeed! hehehehe… ako nga sayang.. di talaga pwede masali sa influential.. di ako influential.. at di din qualified.. wahahahaha…!

Posted by jehzlau at August 3, 2007, 1:44 am

ooops.. mali spelling ko.. dapat yeah.. instead of yearh.. sowi po ^_^

Posted by jehzlau at August 3, 2007, 1:45 am

Hello. Nag comment ako sa blog ni Ducks para imbitahan kayo sa ADNU. Sa November ay babalik ako muli roon at sila ay nasabihan ko rin na mag explore sa pag organize ng Bicol Bloggers Summit. Sana ay matuloy.

Siyanga pala. Ang Filipina Writing Project ay nagsimula na at sana ay makasali ka.

Posted by Janette Toral at August 11, 2007, 11:15 pm

Add a comment