Maraming salamat sa mga nag-argyu para sa Bikol Wikipedia. Na-conditionally approve na ang proposal. Kailangan lang na i-meet ang ilang rikwayrment para sa final approval ng proyekto.
Narito ang mga kinakailangan:
1. There is an active test project on the Incubator wiki.
A project should start on the Incubator wiki. This will demonstrate that there is sufficient community to build the project. If there is no valid ISO 639 or BCP 47 code, the test project will provide some of the material to present to the World Language Documentation Center. This is also a good occasion to translate the MediaWiki software if there is no version in that language.
2. There are localization files available in that language.
The MediaWiki interface is created from localization files for each language. If there are no files for this language yet, the language subcommittee will contact the community to arrange for translation before the wiki can be created.
Meron na tayong test project, 3ng interesado (sa ngayon) na magkontribyut at/o mag-edit ng mga artikel, at ISO 639-3 na "bcl" para sa Central Bicolano.
Panalo ang Philippine Madrigal Singers o ang "Madz" sa 2007 European Grand Prix for Choral Singing, ang ikinokonsider na choral Olympics sa mundo.
Ito ang ika-2ng beses na nanalo ang grupo, nung 1997 ang firstaym. Bagamat hindi ang Pilipinas ang may pinakamaraming panalo sa histori ng kontest kundi ang Sweden na may apat (St Jacobs Kammerchör, 1992; The Mats Nilsson Vocal Ensemble, 1994; Lunds Vocal Ensemble, 1999; at Allmånna Sangen, 2005), ang grupo ang kauna-unahan at tanging choir na nanalo ng dalawang beses.
Patuloy na iaapdeyt hanggang December 5, 2007
Pasensya na sa back-to-back-to-back-to-back-to-back na post tungkol sa mga writing project. Ito ang isa sa mga entri ko sa Filipina Writing Project.
Mahilig mang-angkin ng mga bagay-bagay ang ilan sa ating mga Filipino lalo na't kung nagbibigay ang mga ito ng karangalan sa Filipinas (o Pilipinas sa Tagalog). May mga babaeng kahanga-hanga dahil sa kanilang achievements, na Filipina dating (mas tama kung sasabihing "Filipina ang dating") dahil sa pangalan, hitsura o ugali nila. Sila'y inaangkin ng ilan sa atin upang ikarangal bilang mga "Filipina". Sinasadya man o napagkamalian (kasama na ang mga urban legend), hindi nakakatuwa dahil nagmumukha lang tayong katawa-tawa sa mundo.
Maglilista ako ng mga babaeng hindi lang Filipina ang dating, dating Filipina, WOW (women of wonder) Filipina talaga. Hindi na natin kailangan mang-angkin.
Subukan mong iserts sa Google (o i-Google) ang salitang "Filipina" at ito ang sasambulat saiyo: mga websayt na nag-oofer ng date, pagmamahal, kasal atbp., at mga piktsur ng mga Pilipinang maiiksi ang kasuotan.
Sa pamamagitan ng "Filipina" Writing Project at Yan Ang Filipina, mga kampanya upang baguhin ang mga resulta sa mga pangunahing search engines tulad ng Google, mapapalitan ang negatibong imij ng Filipina at maipakikilala ang iba pang mukha nito sa Internet.
Dalawampung araw ang nakalipas, may 11 nang suporta sa rikwest para sa Bikol Wikipedia, 4 ang interesado para magkontribyut at mag-edit ng proyekto, at 158 nang artikel sa test project.
May 56 official entries sa Wika 2007. Hindi ko pa nababasa ang lahat ng entries pero heto ang mga paborito ko maliban sa mga entri ng kababayang sina Willy (Ang Paradigm Shift at ang mga Erehe ng KWF), Ducks (Posible Kaya?), Darang Sisa (Lahi) at Chibi (Akala mo lang Wala Pero Meron! Meron! Meron! Wapak!) :
The winners of the contest shall be the entries with the highest scores. Fifty percent of an entry’s score shall come from votes from PBS, and the other fifty percent shall be from the panel of judges. (The poll will start on August 20 12:00am up to August 25 11:59:59pm.)
Judging shall be based on creativity and relevance to the theme.
The panel of judges consists of blog veterans, experts in the Filipino Language, and professional content writers. The names of the panel members shall not be disclosed at this time, but will be posted on this page after the winners have been determined.
The organizers will tally the votes to determine the winners. The decision shall be final. Poll voting and Judging will be from August 20 to 25, 2007. The winning entry will be announced at the Pinoy Blogosphere site on August 29, 2007.
Paumanhin sa mga na-offend ng naunang title.
Ano nga ba ang nagbubuklod-buklod sa mga mamamayan ng kapuluang ito? Hindi, ang relihiyong Katolisismo. Hindi, ang gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi, si Kris Aquino. Hindi, ang Wowowee. Hindi, ang balut. Hindi ang Team Pilipinas. Hindi, ang Wikang Filipino.
Ang Canaman, isa sa pinakamatandang parokya at bayan sa Bicol at may pinaka-purong diyalekto ng Bikol ayon sa isang Heswitang linggwista, ay nagdiriwang ng ika-408ng fyesta nito ngayon. Simula nung August 6, gabi-gabi ang programa sa aming plaza. Napaka-ironic ng mga programa. Wala gaanong pretty sa Pretty Boy. Iisa lang ang lumahok sa Miss Gay na mula sa Canaman at karamihan ay mula sa Naga City, may taga-Iriga City at Legazpi City pa. Kung gaano katagal nasundan ang Miss (nung 2003 yung huli) ganun din kahaba ang coronation night (dawn?) na inabot ng 6 na oras. Meron pang Little Lady of Assumption and Little Saint Roche, para naman sa mga bata, na inorganisa ng simbahan (asan ang irony dito?). Always present ang mayor para magbigay ng kanyang mensahe na iisa lang naman: Mahalaga para sa mga Canamanon ang pagiging isang komunidad, at ang “sense of community” ang nagbubuklod-buklod sa kanila noon pa man (kaya naman nung panahon ng mga Hapon, itinatag dito ang Tancong Vaca Guerilla Unit, isang hukbong bayan).