Filipinayzd 2.0

Home » Archives » July 2007

Sayaw barangay

Tuesday, July 31, 2007

Tabi Happyslip! Narito ang pinaka-klik na vidiyong Pinoy sa Youtube ngayon: ang "Thriller" ni Byronfgarcia.  

Mga kaibigan, ang mahigit 1,500ng inmeyts ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Cebu sa saliw (?) ng kantang Thriller…

(more…)

Posted by filipinayzd at 7:37 PM | permalink | Add comment

Buwan ng Wika: Language Barrier

"If there is a superiority complex, there must be a divide." -Ian Allen Lim

"There is no division. Most of the languages in the Philippines are interrelated." -Roxy Jane Kaka

"There is such a divide but we try to understand each other." -Alfredo Buenaventura

"It should not weaken us… We should take pride in that diversity." -Michael Obanieta

Iprinodyus, isinulat, inedit at idinirekt ni Ian Allen Lim

Posted by filipinayzd at 3:55 PM | permalink | comments[2]

Amazing Race Asia 2 sa Manila, Survivor Asia sa Caramoan

arasia2.jpg picture by filipinayzd

Hindi yan ukay-ukay. Iyan ay isang task sa Manila Leg ng Amazing Race Asia 2. 

Ang task: hanapin ang sapatos na walang pair sa humigit kumulang 100ng pares ng sapatos. At mag-asembol ng bike.

Siniserts ko sa net kung totoo yung nabasa ko sa dito sa Skyscraper City. May Survivor Asia raw, nakafrantsayz sa AXN-Asia. At sa Caramoan isyusyut! Kaya ako narating dito, sa peyj ng Amazing Race Asia 2 sa Wikipedia.

Nasa listahan ng mga posibleng ivivizit ang Manila. Ang blog ni Rex ang referens. Nataymingan nya yung syuting ng riyaliti-tivi syow. Si Marc Nelson (Burmese-Australian?) at isang di-kilalang partner daw ang bumubuo ng Philippine team.

Posted by filipinayzd at 2:07 PM | permalink | Add comment

Rikwest para sa Bikol Wikipedia

Monday, July 30, 2007

centralbicol.jpg picture by filipinayzd

Salamat kay Joshua alyas Sky Harbor ng Tagalog Wikipedia sa pagrikwest nya ng projikt na Bikol Wikipedia.

Central Bicolano o Standard Bicol ang ipinarikwest ko dahil ito ang pinaka-sinasalita sa mga wikang Bikolano at ito rin ang wika ng sentro ng rijon, Legazpi City (politikal, komersyo) at Naga City (edukasyon, simbahang Katoliko). May 2.5 milyong neytiv ispiker (1990 sensus) ito at sinasalita sa malaking bahagi ng Camarines Sur at Albay, bahagi ng Camarines Norte, Catanduanes at Sorsogon at Burias Island ng Masbate.

Iniinvayt ko ang mga Bikolano at yung marunong mag-Bikol dyan na mag-post ng argyument dito para maapruwv ang rikwest. Magrejister lang sa Meta Wikipedia o anumang Wikipedia (English, Tagalog atbp.).

Unang istep pa lang ito!

Posted by filipinayzd at 10:48 PM | permalink | comments[2]

Over-all ranking sa writing project ni Janette Toral

Sunday, July 29, 2007

May kabuuang 196 na partisipant (di-nesisariling indibidwal) sa writing project ni Janette Toral na natapos nung Friday. Sa loob ng 10ng linggo, 510ng blog ang nabanggit at ninomineyt para sa 10ng pinaka-maiimpluwensyang mga blog ng 2007 (hanggang ika-3ng kwarter, halos). Pasok sa banga top 10 ang:

  1. An Apple a Day (34 na nomineysyon)
  2. The Philosophical Bastard (31ng nomineysyon)
  3. The D Spot (29 na nomineysyon)
  4. CokskiBlue (28ng nomineysyon)
  5. Make Money Online with a 13-Year Old (25 na nomineysyon)
  6. Utakgago (23ng nomineysyon)
  7. Culture Shiok! (22ng nomineysyon)
  8. Kubiertos (parehong may 21ng nomineysyon)
    The Anitokid Chronikos
  9. It's not only fruity, it's oaty! (20ng nomineysyon)
  10. The Dork Factor (19 na nomineysyon)

 

Salamat sa nominasyon MaeWilly, Vlad at Cliff!

Hindi ako syur kong ang 11ng blog sa list (na) ang may karapatang ipagyabang na isa ang blog nila sa 10ng mga pinaka-maiimpluwensya. Pero ang sigurado at mas importante, ang anawnsment ng 10ng winer ng $100ng dolyar (mga Php4500) sa August 1 sa Max Restaurant, Park Square 1, Makati City mula ala-6 hanggang 9 ng gabi. 

Gudlak!

Posted by filipinayzd at 6:56 PM | permalink | Add comment

50ng Pinaka-sinasalitang Wika sa Pilipinas

Monday, July 23, 2007

phil.jpg

(more…)

Posted by filipinayzd at 4:12 PM | permalink | comments[1]

Kaheraki (Siisay?)

Saturday, July 21, 2007

Kaawaan (Sino?):

kaheraki.jpg

(more…)

Posted by filipinayzd at 10:15 PM | permalink | comments[2]