Filipinayzd 2.0

Home » Post Item » "TV ADs…" (Paglalahad ng Suliranin, Saklaw at Delimitasyon, Disenyo ng Pananaliksik)

"TV ADs…" (Paglalahad ng Suliranin, Saklaw at Delimitasyon, Disenyo ng Pananaliksik)

Thursday, May 31, 2007

"TV Ads: Hanguan ng mga Kagamitang Pampagtuturo sa Elementarya"

 

Panimula

 

Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pag-aaral na matukoy ang mga kaisipang nakapaloob sa mga advertizment sa pangnasyunal na telebisyon na magagamit sa larangan ng pagtuturo sa Canaman Central School, sa Taong Panuruan 2007-2008.

Nilalayon ding masagot ang mga sumusunod na ispisifik na katanungan:

1. Anu-ano ang mga pantelebisyong advertizment ang nalikom na nauukol sa mga isyung:

  • a. Pangkapaligiran

  • b. Pampamilya

  • c. Pangkabuhayan

2.  Ano ang literal at figyurativ na kahulugang nakapaloob sa bawat advertizment?

3.  Anu-ano ang mga banghay-aralin sa Filipino at HEKASI ang mabubuo gamit ang mga advertizment?

4.  Gaano kahusay ang binuong mga banghay-aralin ayon sa mga eksperto?

 

Saklaw at Delimitasyon

Gagamitin sa pag-aaral na ito ang tatlumpong (30) mga pantelebisyong advertizment na gawang Pilipino. Ang mga piniling advertizment ay gumagamit ng wikang Filipino, English, Taglish, vernakyular o kombenasyon ng alin man sa mga nabanggit na wika sa mga dayalog, kapsyon at advertising jingle o background music. Ang mga piniling mga advertizment ay kumakatawan sa anumang produkto, lokal man o banyaga. Tanging ang mga 15 hanggang 90 segundong advertizment na ipinalalabas o ipinalabas sa national television sa Pilipinas ang pag-aaralan. Ang mga hahanguing mga advertizment ay yaong ipinalabas simula noong taong 2000 hanggang sa kasalukuyan.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga advertizment na bagamat ipinalabas sa Pilipinas ay di-gawang Pilipino gayundin ang mga advertizment na inilathala bago ang taong 2000.

Anim na banghay-aralin sa Grade VI, apat sa Filipino at dalawa sa HEKASI, ang bubuuin gamit ang mga nasuring advertizment at susuriin ng limang titser sa Filipino at HEKASI sa Grade VI sa Canaman Central School ang kahusayan ng mga ito.

 

Disenyo ng Pananaliksik  

Ang riserter ay gagamit ng deskriptiv-analisis sa pagsusuri ng nilikom na mga advertizment.

Ang risertser ay mangongolekta ng tatlumpong (30) mga advertizment na ipinalalabas o ipinalabas sa national television sa Pilipinas. Ang mga ito ay nalikom sa pamamagitan ng direktang pagrerekord sa telebisyon, pagda-download mula sa websayt ng kompanya, o pagda-download ng mga inirekord na advertizment sa www.youtube.com, isang video-sharing website. Matapos makalikom ng sapat na bilang ng advertizment, ikaklasifay ayon sa isyung tinatalakay sa bawat advertizment. Susuriin ang bawat isa upang alamin ang literal at figyurativ na kahulugang dito ay nakapaloob.

Tutukuyin ang literal at figyurativ na kahulugang nakapaloob sa bawat advertizment sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng lantad na katotohanang nakikita sa advertizment, at pag-iinterpret ng mga talinghaga at pag-aanalayz ng istilo ng presentasyon ng advertizment.

Isa-isang susuriin ang mga advertizment upang makabuo ng mga banghay-aralin sa Filipino VI at HEKASI at susuriin ang kahusayan nito ng mga eksperto.

Sa pagtataya ng kahusayan ang binuong mga banghay-aralin ayon sa mga eksperto, ang risertser ay bubuo ng kwestsoneyr bilang instrument at pasasagutan ito sa area chairman at mga titser sa Filipino VI at HEKASI sa Canaman Central School. Gagamitin ang percentage at frequency count.

Ipagpapatuloy…

Posted by filipinayzd at 7:20 PM | permalink

Previous Comments

galing mg mga salin-wika mo..kakabilib ka..
pwede magtanong?alam mo ba ung mga istilo ng wika?salamat

Posted by chaice at June 15, 2007, 1:43 pm

mas makabubuti kung tatapusin ito upang makapagbigay ng isang kumpleto at mahusay na halimbawa sa mga mambabasa….

Posted by rey at September 4, 2007, 8:56 am

mga gago kau!!!

Posted by damn! at January 24, 2008, 8:04 pm

suliraning pangkabuhayan

Posted by agatha at January 29, 2008, 7:32 pm

kkbitin..mgnda sna…

Posted by ferlyn at January 31, 2008, 5:55 pm

bk8 bitin..

Posted by lianne at February 5, 2008, 8:42 pm

bitin nmn i2
dapat pinost mo lahat para mas napreciat ng lahat at maging magandang basehan ng mga magaaral na nais ma220 sayang
wooshu,,,,

Posted by abby at February 19, 2008, 12:21 am

kakabitin naman..

Posted by chura.. at February 27, 2008, 3:57 pm

ayos ito ngunit kailangan mong tpusin.._dagdag kaalaman ito kng paano mkakabuo ng mga impormasyon o karagdagang ideya sa mga kgaya kng ksalukuyang gumagawa ng research pper…

Posted by jelah at March 8, 2008, 8:50 pm

asan na po yung kasunod

Posted by Noah at March 14, 2008, 9:05 am

asan na po yung kasunod???

Posted by Noah at March 14, 2008, 9:05 am

sna tinapos mo..hrap mgawa ng research paper.

Posted by daisy at June 15, 2008, 8:36 pm

,.nk2tulong xa hah,. infernesz!,.

,.owkei nmn,. and2 ung iba qng kelangan,.

,.thnx 4 that,. sana mkta na ung ksunod nouh…….

Posted by carla at November 3, 2008, 9:08 pm

hhhhhhhhhhhhhahhhhhhhhhh!!!!!!!!

Posted by detdet at December 4, 2008, 7:57 am

alam mu ba yung paglalahad ng suliranin??
help me naman…
please………

-vanessa anne-

Posted by vanessa at January 28, 2009, 10:56 am

,it realy hlp me a lot

Posted by joona at July 12, 2009, 7:49 pm

…incomplete, i’m not cntented!

Posted by kathy nenet, at January 31, 2010, 9:05 pm

hai everyone? looking good friendx out their,. i am not contented, put more,

from…>>>>> xkixzolahx
Happy weekend and a posporous life this new year! happy February, advance VALENTINE’s DAY TO ALL!!! MUAAHHH

Posted by xKATHY NENET 11x at January 31, 2010, 9:10 pm

napaka ewan naman ng websites niyo ang gulo paki ayos nga anu ba yan??????????????????????????
(^^^)

Posted by mark at February 23, 2010, 7:33 pm

Add a comment