Tisis propowzal sa pagmamaster sa Filipino
KABANATA I - Panimula
Simula sa ating paggising hanggang sa pagtulog, saan man tayo pumunta o tumingin ay sinasalubong tayo ng napakaraming mensahe. Ito ang layunin ng midiya, ang marating ang malaking bilang ng tao gamit ang isang behikulong pangkomunikasyon.
Ang midiya ay naghahatid ng enterteynment, balita, isports, edukasyon gayundin nagpapahayag ng kultura. Ang mga ito ay mahalagang parte ng buhay at malaki ang maituturo sa atin. Marami ang maituturo ng midiya ngunit maaaring ang ilan sa mga ito ay hindi natin gustong matutuhan ng mga bata.
Ayon sa Foundation for English Language Arts for Atlantic Canada o FELAAC:
The influence of media, such as TV, film, videos, magazines, computer games, and popular music, is persuasive in the lives of students today. It is important therefore, that, beginning in the primary grades, students learn to use media resources critically and thoughtfully.
Madaling makakuha ng iba’t ibang mensahe sa midiya ang isang bata sa pamamagitan ng pagbukas ng radyo o telebisyon, pagbuklat ng isang dyaryo o magazin, pagsaksak isang pelikula sa DVD player o pagklik sa isang websayt. Sa loob lamang ng ilang segundo, maaari nyang magaya ang isang karakter sa isang palabas, makanta ang isang advertising jingle o makapagbigay ng iba pang halimbawa ng matututuhan mula sa midiya. Subalit, maaaring ang mga halimbawang ito ay pagpo-pose ng seksi, pagsusuntok-suntukan o pagbanggit ng mga popular na brand ng alak at sigarilyo.
Ang pagkakalunsad ng telebisyon sa karamihan na nasa makabagong henerasyon, para kay Pocock (1980), ay makabuluhang nagmulat sa dagling pag-unawa. Habang pinagdedebatehan ng mga saykolojist ang impluwensya nito bilang taga-bantay at taga-aliw ng mga bata, ang kapangyarihan nito ay kinikilala at hinahanap-hanap ng mga advertayzer at pulitiko.
Binanggit ni Francisco (2006) sa kanyang lektsor na “Ang Papel ng Televisyon sa Pagtuturo ng Walong Dagdag na Letra Ayon sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino” na ang telebisyon, para sa namayapang brodkaster at dating pangulo ng Columbia Broadcasting System News na si Fred Friendly (1915-1998) gustuhin man natin o hindi, ay ang pinaka-makapangyarihang educational force na alam ng tao.
Ang telebisyon ay isa sa mga pinaka-makapangyarihang midiyum na nakaaapekto sa buhay ng mga bata at nakadepende sa mga sumusunod na faktor ang laki ng epekto ng telebisyon: 1) kung gaano sila nanonood, 2) ang kanilang edad at personalidad, 3) kung sila ay mag-isang nanunuod o may kasamang nakatatanda, at 4) kung kinakausap sila ng kanilang magulang tungkol sa kanilang napapanood.
Ayon naman kay Mowers (2003), ang midiya ay may impluwensya sa pag-uugali ng isang bata. Malaki ang posibilidad na maging agresiv at magkaroon ng mga iba pang uri ng sowsyal problem ang mga batang labis ang panunuod ng telebisyon kahit ano pa ang laman ng programa.
Sa kilalang saykolojist na si Dr. Lourdes Carandang na nabanggit ni Ramon Tuazon (2002) sa artikel nyang “Philippine Television: That’s Entertainment”:
Media exposure to violence, aggression and meaningless sexual activities stimulates aggressive impulses and therefore primes the child to act aggressively. Research findings reveal that the most natural way for a child to learn is through role modeling wherein a child absorbs and imitates what he sees.
Hindi lamang sa pagkatuto at pag-uugali ang impluwensya ng midiya. Natuklasan sa ginawang pag-aaral nina Page at Zarco (2002) sa tatlong-libong estudyante sa hayskul sa Pilipinas na ang fisikal aktiviti at panonood ng telebisyon ay may kaugnayan sa timbang o Body Mass Index (BMI). May mas mataas na BMI ang mga batang nanood ng telebisyon ng limang oras o mahigit pa sa mga araw na may pasok kaysa sa mga hindi gaanong nanood. Ang mga batang palaging aktiv sa mga fisikal aktiviti, 3 beses o mahigit pa sa isang lingo, ay may mas mababang BMI kung ikokompeyr sa mga hindi palaging aktiv.
Humigit-kumulang walong oras sa loob ng isang araw na nasa piling ng mga titser ang mga estudyante kaya naman tinaguriang mga pangalawang magulang. Tungkulin nilang maging tagapagtaguyod ng pagkatuto gayundin taga-payo at taga-patnubay. Sensitiv ang ginagampanan nilang tungkulin sa paghubong ng kaisipan gayundin ng katangiang pisikal ng mga estudyante.
Ang pagkatuto at pagtuturo para kay Adeyanju (2003), ay ang konsern ng isang mahusay na titser subalit ang pagkatuto ay isang masalimuot na proseso. Ayon sa kanya:
Learning can occur as a result of newly acquired skill, knowledge, perception, facts, principles, new information at hand etc. Learning can be reinforced with learning aids of different variety because they stimulate, motivate as well as arrest learner's attention for a while during the instructional process.
Ang bisa ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto, kay Bucu at mga kasama (1994), simula elementarya maging hanggang sa gradyuwet level ay mapatataas sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga kagamitan sa pagtuturo na maaaring iklasifay bilang: mga nakaprint na babasahin, awdiyo at vizyuwal na pantulong, mga demonstreysyon, komyuniti resorses, mga laboratoryong pangwika, nakaprogram na instraksyon at mga kompyuter.
Magbibigay ng interesting at kakaibang iksperyens sa mga estudyante ang paggamit ng mga advertizment pantelebisyon sa pagtuturo. Matutugunan din nito ang kakulangan ng mga kagamitan sa pagtuturo na isa sa mga suliranin ng mga titser at estudyante.
Ang mga sitwasyong binanggit ang nagbunsod sa risertser na suriin at pahalagahan upang magamit sa pagtuturo ang 30 nalikom na mga pantelebisyong advertizment.
Ipagpapatuloy…
thanks sa inyo
Posted by ira at February 11, 2010, 6:36 pmdi namn ito konkretong listhan ng mga kagamitan ng isang guro
Posted by vincent at June 22, 2010, 12:20 am
mga koleksyon ng mga sports lingo sa tagalog
Posted by rhodora montanez at October 13, 2009, 5:37 am