"TV Ads: Hanguan ng mga Kagamitang Pampagtuturo sa Elementarya"
Paglalahad ng Suliranin
Nilalayon ng pag-aaral na matukoy ang mga kaisipang nakapaloob sa mga advertizment sa pangnasyunal na telebisyon na magagamit sa larangan ng pagtuturo sa Canaman Central School, sa Taong Panuruan 2007-2008.
Nilalayon ding masagot ang mga sumusunod na ispisifik na katanungan:
1. Anu-ano ang mga pantelebisyong advertizment ang nalikom na nauukol sa mga isyung:
a. Pangkapaligiran
b. Pampamilya
c. Pangkabuhayan
Kailangan bang imodifay ang dizayn ng bandila ng Pilipinas? Ito ang pumasok sa isip ko matapos mapakinggan ang kantang Tatsulok ng bandang Bamboo. Ang puting trayanggel sa flag natin ay sumisimbolo ng pagkakapantay-pantay at sa Katipunan.
PACQUIAO, knocked-out!
Bagong Pampanga governor FATHER EDDIE, magpapamisa!
PADACA, pinadapa ang katunggali!
BUHAY, buhay na buhay!
CIBAC, di pasisibak sa kongreso!
KIKO, "may K" ayon sa milyun-milyong botante!
VILLAR, nangunguna; sekreto, sipag at tyaga!
ANGARA, gagara muli ang buhay?
CHIZ, abot tenga ang ngiti!
PING, H.O.P.E.-ping na magra-rank 1!
Tisis propowzal sa pagmamaster sa Filipino
KABANATA I - Panimula
Simula sa ating paggising hanggang sa pagtulog, saan man tayo pumunta o tumingin ay sinasalubong tayo ng napakaraming mensahe. Ito ang layunin ng midiya, ang marating ang malaking bilang ng tao gamit ang isang behikulong pangkomunikasyon.
Ang midiya ay naghahatid ng enterteynment, balita, isports, edukasyon gayundin nagpapahayag ng kultura. Ang mga ito ay mahalagang parte ng buhay at malaki ang maituturo sa atin. Marami ang maituturo ng midiya ngunit maaaring ang ilan sa mga ito ay hindi natin gustong matutuhan ng mga bata.
Ayon sa Foundation for English Language Arts for Atlantic Canada o FELAAC:
The influence of media, such as TV, film, videos, magazines, computer games, and popular music, is persuasive in the lives of students today. It is important therefore, that, beginning in the primary grades, students learn to use media resources critically and thoughtfully.
Madaling makakuha ng iba’t ibang mensahe sa midiya ang isang bata sa pamamagitan ng pagbukas ng radyo o telebisyon, pagbuklat ng isang dyaryo o magazin, pagsaksak isang pelikula sa DVD player o pagklik sa isang websayt. Sa loob lamang ng ilang segundo, maaari nyang magaya ang isang karakter sa isang palabas, makanta ang isang advertising jingle o makapagbigay ng iba pang halimbawa ng matututuhan mula sa midiya. Subalit, maaaring ang mga halimbawang ito ay pagpo-pose ng seksi, pagsusuntok-suntukan o pagbanggit ng mga popular na brand ng alak at sigarilyo.