Filipinayzd 2.0

Home » Archives » March 2007 » Page 2

Kapag may usok, may apoy

Sunday, March 11, 2007

Dalawang buwan bago ang eleksyon, sunog ang meyn ofis ng COMELEC sa Intramuros. Nagsimula ang sunog mag-aala una ng madaling araw.

May dalawang buwan pa ang Team Unity para humabol sa mga kandidato ng Genuine Opposition at ilang independent kandideyts. Dayaan, nagsimula na?

Posted by filipinayzd at 8:55 PM | permalink | comments[52]

Ang Senado at ang Pinoy Big Brother

Friday, March 9, 2007

Ang senado ay binubuo lamang ng 24 tao na syang kumakatawan sa buong bansa. Bagamat ang ilang sektor at rehiyon ng bansa ay walang representasyon dahil sa kakaunting pwesto, mula sa iisang pamilya ang ilan sa mga nakaupo dito.

Mayroon lang 14 slot para sa Pinoy Big Brother Season 2 kaya hindi maaaring mabigyan ng representasyon ang iba't ibang Filipino. Pero, utang na loob naman. Halos kalahati ng kasali ay may lahing banyaga o artistahin, at hindi diverse ang mga hawsmeyt. Lima ang Bisaya, 4 may titulo sa isang beauty competition, 3 ang dancer, 2 ang nursing student, 2 ang taga-UP etc.

(more…)

Posted by filipinayzd at 9:37 PM | permalink | comments[182]

Hulaan kung anti o pro-PGMA ang mga nasa piktsur

Wednesday, March 7, 2007

Puno ng pagkatakot ang mga kontra-administrasyon ngayon. Pinirmahan na kasi ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang anti-terror bill na nagbibigay ng "K" sa pulisya na ideteyn nang walang isinasampang kaso ang sinumang nagko-cause ng teror sa publiko, sa isang patikular na tao o grupo.

Posted by filipinayzd at 1:24 AM | permalink | comments[27]

Bagong hawsmeyt, tsinitang Bikolana

Monday, March 5, 2007

Si Beatriz Saw pala ang kasali sa Pinoy Big Brother Season 2. May taga-Bicol daw kasi na napasama. Akala ng iba si Billy Jardin, lokal silebriti. Parehong atenista, si Bea naging klasmeyt ko sa Audio-Visual Media at si Billy sa Broadcast Journalism.

(more…)

Posted by filipinayzd at 2:37 AM | permalink | comments[319]