Filipinayzd 2.0

Home » Archives » February 2007

Anong bago sa Pinoy Big Brother Season 2

Wednesday, February 28, 2007

Bukod sa mas malaking bahay at mas maraming hawsmeyt, ano pa ba ang bago sa ika-2 season ng Pinoy Big Brother? 

Heto ang artikel sa websayt ng PBB Season 1 nung Day Two.

Samantala, heto naman ang artikel sa websayt ng PBB Season 2 kahapon, Day Two.

Dinig ko, kasama si Billy sa season na 'to.

Posted by filipinayzd at 11:30 PM | permalink | Add comment

Pinoy sa American Idol Season 6

Friday, February 23, 2007

"I’m an ethnic mutt! I’m part Filipino and Portuguese with Spanish, French, Italian and Chinese".  -AJ

Pasok sa top 24 mga kontestant ng American Idol Season 6 si AJ Tabaldo, 22-taon-gulang mula Sta. Maria, California.

Kabilang sa maikling listahan ng mga naging kontestant sa AI na may dugong Filipino ay sina Jasmine Trias (ika-3) at Camile Velasco (ika-9 sa Season 3) at Jose "Sway" Penala (ika-17 sa Season 5). 

(more…)

Posted by filipinayzd at 2:14 AM | permalink | comments[1]

Mga igan, si Arnold Clavio naman

Wednesday, February 21, 2007

Ang maganda sa ofisyal websayt ng GMA News and Public Affair, merong itong blog network ng mga writer at editor ng GMA News and Public Affair, mga kontent partner ng gmanews.tv at mga ekspert mula sa iba't ibang profesyon. Ang malalaki at pinagpipitaganang mga midiya eyjensi sa buong mundo ay may ganito rin. Ang Time (www.time.com/time/blogs), CNN (www.cnn.com), BBC News (www.bbc.co.uk/blogs), CBS News (www.cbsnews.com), Reuters (http://blogs.reuters.com), The New York Times (www.nytimes.com), The Washington Post (www.washingtonpost.com), The Financial Times (http://blogs.ft.com/techblog/), at The Guardian (http://blogs.guardian.co.uk). Ito yata ang kulang sa websayt ng ABS-CBN News and Current Affairs (http://www.abs-cbnnews.com/).

Kaya naman, nung makita ko ang blog ni Arnold Clavio at ito pa ang opening nya sa unang entri nya:

Gud mawning, mga ’Igan! Tulad ng madalas kong sabihin sa ending ng programa ko sa "EMERGENCY", 'hanggang sa susunod na Biyernes, ako naman Arnold Clavio.

(more…)

Posted by filipinayzd at 7:39 PM | permalink | comments[6]

Mega sabayang sipilyuhan (apdeyt)

Hindi ang kasalukuyang world record para sa pinaka-maraming nagtututbras ng sabay-sabay ang sinubukang breykin ng Colgate (sa tulong ng Deped at DOH) kundi ang "most people brushing their teeth in multiple places on a given time" ng United Kingdom na inisponsor ng Aquafresh

 

Elementary schools students show their toothbrushes after allegedly breaking the record of the number of people brushing their teeth in multiple places on a given time Wednesday, Feb. 21, 2007 at the Rizal park in Manila . With 14, 340 students in Manila, 13,209 in Cebu in central Philippines and 13,489 in Davao City in southern Philippines allegedly made a new world record of 41, 038 students, surpassing the former record of 33, 038 children brushing their teeth in the United Kingdom. (AP Photo/Pat Roque) (AP Photo/Pat Roque)

Posted by filipinayzd at 6:12 PM | permalink | Add comment

Mega sabayang sipilyuhan

Kung nabawi ng CloseUp™ nung nakaraang linggo ang korona nito para sa pinaka-maraming magpartner na naghahalikan ng sabay-sabay, susubukan naman ngayong umaga ng rayval nito, ang Colgate™, na higitan pa ang kasalukuyang world record nito para sa pinaka-maraming nagtututbras ng sabay-sabay. Inaasahan ang pagpapartisipeyt ang 40,000 istudyante mula sa iba't ibang lungsod sa Filipinas sa tinaguriang mega sabayang pagsisipilyo.

Nung isang taon, may 10,800 Filipinong istudyante mula sa 8 greydskul sa Metro Manila ang nagtipun-tipon sa Rizal Park at sabay-sabay na nagsipilyo sa loob ng tatlong minuto upang burahin ang 2-yir-old rekord ng China (10,240). Hangarin ng Colgate at 185 dentista, mga organayzer, na maging aweyr sa oral hayjin ang mga Filipino.

Inoobserv tuwing February sa Filipinas ang National Dental Health Month.

Posted by filipinayzd at 5:59 AM | permalink | Add comment

Traysikol o Traysikel?

Tuesday, February 20, 2007

Mula sa blog ni Jobart Bartolome:

Traysikol o traysikel? Bakit hindi trisekleta? Kung ang bicycle ay naging bisekleta, bakit ang tricycle hindi naging trisekleta? At bakit naging traysikol o traysikul sa Bikol, Bisayas, samantalang naging traysikel naman sa Kamaynilaan?

(more…)

Posted by filipinayzd at 6:26 PM | permalink | comments[1]

Ekstrang balota

Monday, February 19, 2007

Nagpapaprint ng 49 milyong balota ang Commision on Elections na gagamitin sa darating na eleksyon gayong aabot lamang sa 45 milyon ang rehistradong botante. Ayon sa tseyrman ng COMELEC na si Benjamin Abalos, Sr., ang 4 milyong ekstrang balota ay gagamitin kung may magkakamali sa pagfil-ap ng balota o kung may mga mawawala o madadamij na mga balota.[1]

Makalipas ang EDSA I nung 1986, ang averij ng mga rejisterd vowter na bumubuto tuwing eleksyon ay 80%. Taong 2001, apat na buwan makalipas ang EDSA II, 36 milyon o 85% ang bumuto.[2] Sa kontrobersyal na 2004 eleksyon naman, 35.4 milyon o 81.4% ang nagpartisipeyt.[3] Hindi naiiba ang eleksyon ngayong 2007 sa dalawang nakalipas na eleksyon, labanang maka-GMA at maka-Erap pa rin. Maaaring pasok pa rin sa averij ang magiging turn-out ng botante subalit malayo ang posibiliti na umabot ito ng 100%.

(more…)

Posted by filipinayzd at 2:19 PM | permalink | comments[1]