Isang 100% Pinoy (?) sowzyal-networking websayt ang nilonts ilang buwan na ang nakararaan. Target nito ang mga Filipinong estudyante at alumnay o mga Friendster user. Sa ngayon meron nang 15,000ng 'estudyante' ang Facebook.com-inspayrd websayt na Eskwela.com.
Unang napansin ko sa websayt, ang pangalan. Bakit di na lang 'iskul' as-in 'iskul bukol'? Opinyon ng isang blogista:
I have a problem with the name. “Eskwela” is not even 100% Pinoy. It’s a derivative of the Spanish word for “school.”. The Tagalog word for “school” is “paaralan.” I know it may not be as catchy as “eskwela,” but it you are going to tout yourself as “100% Pinoy,” then you should live up to your word. Also, is that the correct spelling? Isn’t the correct spelling “eskuwela?”
Nung December 2, vomowt ang 70,058 rejisterd vowters sa Surigao del Norte upang maging isang ganap na probinsya ang Dinagat Islands at 63,144 ang tumutol.
Nag-"No" man ang 20ng bayan at isang syudad ng Surigao de Norte (kasama ang Loreta at Tubajon na parte ng Dinagat Island) at 5 lamang sa pitong bayan sa Dinagat Island ang nag-"Yes" kasama ang San Jose (kapitolyo), Basilisa, Dinagat, Cagdianao at Libjo, nariyalayz pa rin ang pagkrieyt ng ika-limang probinsya ng Caraga Region dahil sa mababang bilang ng bumuto sa mga lugar na nag-"No".
Ang Dinagat Island na may lawak na 801.65 kilometro kwadrado ay mayaman sa mineral resources at feymus sa kanilang rock climbing sites at white sand beaches.
Kung blogista ka o webmaster, ka-Friendster, Youtubero, kontribyutor sa Wiki, forumer, chatter atbp… Person of the Year KA!
Nakuha ko lamang ito sa mga kablogkada sa Planet.naga.gov.ph at gustong kong ipowst para maging aweyr kayo sa panloloko at pagteteyk-advantij na ito:
Nakarsurvayv ako kay Reming at Seniang pero hindi pa rin nakakarekover. Wala pa ring suplay ng kuryente sa amin, ika-12 araw na.
May bagong topik na ako para sa tisis, tungkol sa mga televizyon advertizmen. Kung sino man ang marunong o may pandawnlowd ng mga vidiyow sa Youtube, paki tulungan naman ninyo ako.
Baka sa susunod na linggo pa ako makabalik sa pagba-blog.