Dis-agri ako sa ginawang pagsuspend ng DepEd sa ginawang rivizyon sa Filipino alfabet at ispeling (na binuo ng KWP) dahil parang sinuspend rin ng department ang modernizeysyon ng Filipino langwij. Bagamat dis-agri ako sa ilang "kamalian" dun sa rivizyon, isa pa ring istep-forward iyon para sa "naka-istambay at nakatungangang" na Filipino. Ang masaklap pa ay temporaring pinagagagamit ang obsolit nang 1987 Alpabeto at Patnubay (err?). Iyon ay tatlong hakbang pabalik para sa Filipino. Para bagang ading-insolt-to-da-injuri pa.
Ngayon ko lang navyuw (gamit ang isang kompyuter naming may Adobe reader pala) ang atatsment na 1987 Patnubay sa Ispeling sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006. Makikita dun ang ilang mga futnowt (na wala sa orijinal na 1987 Patnubay, malamang ay idinagdag ng KWF). Ang isa sa mga futnowt ay nagsasabing ang dokyument na iyon ay tulad nung nasa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng DECS nuon na pinirmahan ng dating Sekritari Lourdes Quisumbing nung August 6, 1987.
Hindi ko iyon pinaniniwalaan dahil sa peyj 14 (Ang Gamit ng Gitling ), nakasulat:
Kapag uunlapian (reduplikeysyon ng unang pantig) raw ang praper nawn tulad ng isang brand ay maaaring gamitin ang mga banyagang letra (CFJQÑXZ)
hal. "magdyo-Jollibee"/"magjo-Jollibee" (parehong pwede)
Hindi pupwede ang "magjo-Jollibee" sa 1987 Ispeling.
Ang ilang futnowt ay klarifikeysyon/sajestson.
Ang sa aking lang, sana HINDI LAHAT ng nasa Revisyon ang sinuspende.
Salamat kay kumpareng Google at nakita ko ito, ang napagkasunduang ispeling gayd na risolt ng 3ng serye ng forum na inisponsor ng Pambansang Lupon sa Wika at Salin ng NCCA.
Nirerekomend ko (as-if naman na may sey ako) ito bilang 2006 Ispeling-Gayd ng Makabagong Filipino. Haw-ay-wis na kasama ako sa bumuo nito:
ULAT HINGGIL SA FORUM SA ISPELING Ang Pambansang Lupon sa Wika at Salin, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay nagtaguyod ng forum sa ispeling na naganap noong 13 Agosto 2005, 2 Marso 2006, at 21 Abril 2006 na dinaluhan ng mga kinatawan ng samahang pangwika, kagawaran sa Filipino, sentro sa pananaliksik, at Komisyon sa Wikang Filipino, mga guro, mga manunulat, mga editor, at mga masugid na alagad ng wika. Natuon ang talakayan sa mga suliraning dulot ng mga bagong titik sa alpabetong Filipino at ng modernisasyon sa buhay at wika ng mga Filipino, bagaman pumasok din sa pag-uusap ang ilang lumang suliraning nangangailangan ng higit na malinaw na pasiya. Narito po ang mga napagkasunduang tuntunin sa pagbaybay na resulta ng tatlong serye ng forum: 1. Hinggil sa mga Bagong Hiram na Salita 1.1 Baybayin alinsunod sa paraan ng wikang Filipino ang mga bagong hiram na salita, maliban sa sumusunod na kaso: 1.1.1 Pangngalang pantangi. Halimbawa, Shih Huang Tih, Washington Circle, Shinjuko, Czech, National Basketball Association, Halili Beer, Victoria Peak. 1.1.2 Teknikal o siyentipikong salita. Halimbawa, carbon dioxide, chemotherapy, green house effect, pizzicato, sodium glutamate, varicose, x-ray. 1.1.3 Salitang may natatanging kahulugang pangkultura. Halimbawa, bolshoi, feng shui, geisha, gourmet, jazz, joie de vivre, kibbutz, mardi gras, pizza. 1.1.4 Malayo na ang anyo sa orihinal kaya mahirap makilala o nagiging kakatwa ang anyo kapag binaybay sa Filipino. Halimbawa, “jeywoking” (jaywalking), “rendevu” (rendezvous), “saykayatrist” (psychiatrist), “klu” (clue), “oderv” (hors d’euvre), “feris wil” (ferris wheel), “pastits” (pastiche), “montadz” (montage). * Sabjektiv ito. Hindi problema kung nakakatawa. Ang "tayutay", "pakikipagtalamitam" at salumpuwit" ba, hindi?
1.1.5 Kilala na sa orihinal at banyagang anyo ng mga hiram na salita. Halimbawa, box, cat, coke, duty-free, exit, faux pas, fax, file, jai alai, jogging, mall, save, shabu, shop, stop, store, taxi, whisky, x-rated.
** Relativ ito. Ano ang magiging batayan kung popyular "na" ang isang salita?
1.2 Sa pagbaybay ng mga salitang hiram na naglalaman ng alinman sa 11 tunog patinig sa Ingles, piliin ang pinakamalapit sa tunog at anyo ng palabaybayang Filipino. Halimbawa, drayb (drive), geyt (gate), istandardiseysiyon (standardization), layt (light).
*** Ginamitan ng B ang "drive" para maging "drayb". Kinokontradikt ng 2.1
1.3 Inihihiwalay ng gitling ang panlapi sa hiram na salita. Halimbawa, mag-delete, i-delete, nag-hot oil, i-salvage, mag-email-han. Iwasan ang gitlapi kapag ginagamit na pandiwa ang mga hiram na salita at hindi binago ang baybay. Ngunit kung hindi maiwasan ang gitlapi, baybayin sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, dumelit, hinat-oyl, sinalveyds, inimeyl.
2. Hinggil sa mga Bagong Titik
2.1 Gamitin ang mga titik F, J, V, at Z sa mga bagong hiram na salita at binaybay sa Filipino. Halimbawa, forum, futbol (mula sa Espanyol), jet, javelin, visa, varayti, ziper, zigzag.
**** Ginamitan ng V ang "variaty" para maging "varayti". Kontra sa 1.2
2.1.1 Gamitin din ang mga titik F, J, V, at Z sa mga salita mulang katutubong wika ng Filipinas na may ganitong mga tunog. Halimbawa, Ifugaw, Ivatan, laji, vihud, zakat.
2.1.2 Hindi na kailangang gamitin ang mga titik F, J, V, at Z sa mga hiram na salita na matagal nang binaybay alinsunod sa 20 titik ng abakada. Halimbawa, alpabeto (alfabeto), bapor (vapor), baso (vaso), birhen (virgen), bisyon (vision), dyaket (jacket), dyambol (jump ball), dyanitor (janitor), dyip (jeep), dyunyor (junior), opisyal (oficial), piyansa (fianza), pondo (fondo), pormal (formal), sapatos (zapatos), sapiro (zafiro), sarsuwela (zarzuela). Mahalagang patnubay sa pormalisasyon ng mga lumang hiram na salita at binaybay sa akakada ang mga diksiyonaryo nina Jose Villa Panganiban at Vicassan.
*****Ang lahat na salitang hiram-Espanyol ay hindi na kailangang gamitan ng mga letrang F, J, V at Z maliban sa mga praper nawn.
Ang mga salitang hiram-English ay unang inispel at ginamit nung panahon na wala pa sa tuntunin ang pagfiFilipinayz o pagsasaFilipino ng mga banyagang salita lalo na yung mula English.
Kinokontra nito ang nasa 3 (Hinggil sa Pagpapalit ng U sa O at I sa E), ang mga salitang matagal nang binabaybay gamit ang U at I.
Baguhin ang mentalidad na "ito na ang nakasanayan (kahit mali at/o obsolit na) kaya dapat nang tanggapin o PALUSUTIN".
2.1.3 Hindi rin kailangang gamitin ang mga titik F, J, V, at Z sa bagong hiram na salita kung deribatibo o nagmula lamang ito sa isang salita na matagal nang hiniram. Halimbawa, rebisyon (revision) dahil mula lamang ito sa matagal nang hiram na bisyon; pormalismo (formalismo) na mula lamang sa porma/pormal.
2.2 Gamitin lamang ang J sa mga bagong hiram na salita na may orihinal na tunog (dyey) at titik J. Halimbawa, jam, jar, judo, juniper, jinggel (jingle), jornal (journal), jakpat (jackpot), hayjak (hijack).
****** Tanging ang mga salitang mula sa English na may orijinal na sawnd na /jey/ ang maaaring gamitan ng letrang J.
Ang pitong (7) letrang sa alpabetong Filipino o Filipino alfabet na mula English ay dapat na bigkasin ayon sa paraang English rin: C /si/, F /ef/, J /jey/, Q /kyu/, X /eks/ at z /zi/. Ang tanging (1) letra na mula sa Spanish ay ganun din: Ñ /enye/. Ang labin-isang (11) letrang mula ABAKADA ng Tagalog ay dapat na bigkasing pa-ABAKADA.
2.2.1 Hindi ito ginagamit sa mga hiram mulang Espanyol na may titik J ngunit tunog H. Halimbawa, kahon (cajon), hardin (jardin), hawla (jaula), hepe (jefe), heringgilya (jeringuilla), hustisya (justicia).
2.2.2 Hindi rin ito ginagamit sa mga hiram mulang Ingles na may titik G ngunit tunog J. Sa halip, gamitin ang DY alinsunod sa paraang abakada noon kapag may ganitong kaso. Halimbawa, adyenda (agenda), badyet (budget), dyenereytor (generator), dyin (gin), madyik (magic), mardyin (margin). Kung nag-aalinlangan sa ganitong pagbaybay, isang solusyon ang paggamit ng katumbas na salita mulang Espanyol. Halimbawa, gamitin ang heneral (mula sa Espanyol na general) para sa “Heneral Garcia” sa halip na baybaying dyeneral (ang Ingles na general); gamitin ang Espanyol na heneriko (generico) sa halip na pa-Ingles na dyinerik (generic); gamitin ang Espanyol na heograpiya (georafia) o heolohiya (geologia) sa halip na pa-Ingles na dyiyografi (geography) o dyiyolodyi (geology).
******* Hindi ako agri dito. Tingnan ang 2.3.1 at 2.3.2. Magkatulad na katangiang ito ng G sa C at Q.
2.3 Gamitin ang C, Q, Ñ, at X sa mga salitang hiram na hindi binabago ang baybay. Halimbawa, cable, cinema, El Niño, exit, coño, mañana, niña bonita, quarter, quartz, queen, status quo, tax, taxi, techno, telex, x-ray.
2.3.1 Ang C ay nagiging S o K, alinsunod sa bigkas nito sa salita, kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, kontrol (control), kontemporari (contemporary), korni (corny), korona (corona), korporal (corporal), kudeta (coup d’etat), asido (acido), saykel (cycle), sigarilyo (cigarillo), silinder (cylinder), sínikó (cinico), sipres (cypress) , sirko (circo), siyudad (ciudad).
2.3.2 Ang Q ay nagiging KW(KUW) o K, alinsunod sa bigkas nito sa salita, kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, eskema (esquema), keso (queso), kerida (querida), kilo (quilo), kimika (quimica), kinse (quince), kinta (quinta), kinteto (quinteto), kwintuplet (quintuplet), iskuwad (squad), iskuwirel (squirrel).
2.3.3 Ang Ñ ay nagiging NY kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, banyo (baño), kanyon (cañon), donya (doña), pinya (piña), senyora (señora)
2.3.4 Ang X ay nagiging KS kapag binabay sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, boksing (mula sa Espanyol na boxear), eksibit (exhibit), eksodo (exodo), ekspedisyon (expidicion), eksperimento (experimento), eksperyensiya (experiencia), ekspres (express), ekstra (extra), leksikograpiya (lexicograpia), mikser (mixer), taksonomiya (taxonomia), teksbuk (textbuk), teksto (texto), seks (sex), seksuwal (sexual).
3. Hinggil sa Pagpapalit ng U sa O at I sa E
3.1 Panatilihin ang titik O sa pagbaybay ng salitang hiram. Halimbawa, komedya (comedia) sa halip na “kumedya,” kompanya (compañia) sa halip na “kumpanya,” kongreso (congreso) sa halip na “kungreso,” kontrobersiya (controversia) sa halip na “kuntrobersya,” koryente (corriente) sa halip na “kuryente,” Miyerkoles (Miercoles) sa halip na “Myerkules,” nasyonal (nacional) sa halip na “nasyunal,” opisyal (oficial) sa halip na “upisyal,” politika (politica) sa halip na “pulitika,” tradisyonal (tradicional) sa halip na “tradisyunal.”
******* Agri ako dito. Baguhin ang mentalidad na "ito na ang nakasanayan (kahit mali at/o obsolit na) kaya dapat nang tanggapin o PALUSUTIN".
Pero, wala bang katutubong salita sa Filipinas (pati sa Tagalog) na nagsisimula o ang ikalawang letra ay O? Hindi kaya karakteristik ito ng Tagalog, (morpo-fonemik tseynj)? Kung oo, hindi dapat baguhin!
Tingnan sa 3.1.1
3.1.1 Nagiging U lamang ang O kapag napalitan din ang kasunod nitong katinig, gaya sa kaso ng N na nagiging M, bilang pagsunod sa palabigkasang Filipino. Halimbawa, kumbensiyon (convencion), kumbento (convento), kumbersasyon (conversacion), kumbersiyon (conversion), kumbida (convidar), kumbiksiyon (conviccion), kumbinsi (convencer), kumboy (convoy), kumbulsiyon (convulsion), kumperensiya (conferencia), kumpirmasyon (confirmacion), kumpisal (confesar), kumpiyansa, (confianza), kumporme (conforme).
******** Morpo-fonemik tseynj, isang katangian sa Tagalog maging sa iba pang wika sa Filipinas
3.2 Panatilihin ang E sa pagbaybay ng salitang hiram. Halimbawa, desgrasya (desgracia) sa halip na “disgrasya,” deskarga (descarga) sa halip na “diskarga,” eskandalo (escandalo) sa halip na “iskandalo,” estandardisasyon (estandardizacion) sa halip na “istandardisasyon,” estasyon (estacion) sa halip na “istasyon,” estorbo sa halip na “istorbo,” estrikto (estricto) sa halip na “istrikto,” estropa (estrofa) sa halip na “istropa,” estruktura (estuctura) sa halip na “istruktura.” Tandaan lamang na totoong I at hindi E ang nasa sumusunod na salitang hiram: diskriminasyon (discriminacion), disgusto, disidente, disimulado, dispensa, disposisyon (disposicion), distribusyon (distribucion), isleta, iskiyerda (isquierda)
******** Ang beysik rul, kung hiram-Spanish, E ang gamitin. Kung hiram-English, I.
4. Hinggil sa mga Katinig na Inuulit
4.1 Tanggalin ang isa sa dobleng katinig kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa, buletin (bulletin, at iba sa boletin ng Espanyol), enrolment (enrollment), gramar (grammar), patern (pattern).
5. Hinggil sa mga Digrapong CH, SH, CT
5.1 Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga bagong hiram na salita na may digrapong CH at SH. Halimbawa, cherry, cheese, chit, chop, spinach, shampoo, shell, ship, shop, workshop, brush, toothbrush, ambush, crash, flush, flush drive,flashlight, backlash.
5.1.1 Naging TS at SY na ang CH at SH sa ibang matagal nang hiram na salita.Halimbawa, biskotso (bizcocho), letse (leche), suspets a (sospecha), tsampaka (champaca), tsapa (chafa), tsaperon (chaperon), tseke (cheque), tsina (china), tsismis (chismear), tsitsa (chicha), tsuper (chofer), sitsaron
(chicharron), swits (switch), syorpet (sure fit), syuting (shooting).
********** Hindi nagbigay ng igzampol ng mga salitang may SH sa gitna o hulihan tulad ng "fishball", "malnourish", "mouthwash" atbp. na kung susundin ang "Kung ano ang bigkas, iyon ang sulat"-prinsipol ay magiging "fisybol", "malnorisy", "mawtwasy".
Hindi nabanggit ang paano babaybayin ang mga salitang nag-uumpisa sa SHR tulad ng "shrink", "shrimpball", "shrine" atbp. na dapat ang baybay ay "syringk", "syrimpbol", "syrayn".
5.2 Nagiging K ang CT kapag binabaybay sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa,abstrak (abstract), adik (addict), artifak (artifact), impak (impact), kontrak (contract), korek (correct).
*********** Kontradiktori ito sa "Kung ano ang bigkas, iyon ang sulat"-prinsipol. Dapat KT ang gamitin.
6. Hinggil sa mga kambal-patinig sa mga hiram na salita mulang Espanyol
************ Nasaan ang para sa mga salitang mula English?
6.1 Maaaring uriin ang mga patinig sa malakas (A, E, O) at mahina (I, U). Dahil dito,may dalawang pangkalahatang tuntunin ang pagbaybay sa kambal-patinig.
6.1.1 Binibigkas nang buo ang dalawang malakas na kambal-patinig. Halimbawa:
6.1.1.1 (AE) aerodromo, Gaeliko (gaelico), maestro;
6.1.1.2 (AO) aorta;
6.1.1.3 (EA) idea, ideal, idealismo, real, realidad, teatro; asotea
6.1.1.4 (EO) estereo, heolohiya, kontemporaneo, koreo, leon, neon, teolohiya, teorya, torneo, video;
6.1.1.5 (OA) boa, loa, Zamboanga;
6.1.1.6 (OE) poema, poesiya, poeta.
6.1.2 Napapalitan ng Y ang mahinang I at ng W ang mahinang U sa kombinasyon ng mahina at malakas na patinig. Halimbawa:
6.1.2.1 (AI) ayre (aire), baylarina (bailerina), bayle (baile), bayna (baina), parakayda (paracaida), paysahe (paisaje), paysano (paisano), maliban sa maís (maíz) at país na may tuldik;
6.1.2.2 (IA) barberya (barberia), barya (varia), baryo (barrio), baterya (bateria), memorya (memoria), paranoya (paranoia), trahedya (tragedia);
6.1.2.3 (EI) beynte (beinte), beysbol (beisbol), ley (lei), reyna (reina), treynta (treinta), maliban sa seis/ sais;
6.1.2.4 (IE) baryedad (variedad), Disyembre (diciembre), kinyentos (quinientos), meryenda (merienda), Nobyembre (noviembre), serye (serie), Setyembre (septiembre), yelo (hielo), yerba (hierba), yero (hierro);
6.1.2.5 (IO) bakasyon (vacacion), basyo (vacio), bisyo (vicio), bisyon (vicion), bokasyonal (vocacional), desisyon (decision), demonyo (demonio), dibisyon (division), edukasyon (educacion), episodyo (episodio), henyo (genio), Hulyo (julio), Hunyo (junio), komisyon (comision), komposisyon (composicion), kondisyon (condicion), kumbersasyon (conversacion), misyon (mision), nasyon (nacion), nasyonal (nacional), internasyonal (internacional), nobyo (novio), pasyon (pasion), pisyologo (fisiologo), posisyon (posicion), presyo (precio), sekundaryo (secundario), sesyon (sesion), serbisyo (servicio), seryo (serio) sesyon (sesion), tradisyon (tradicion);
6.1.2.6 (AU) awditor (auditor), awto (auto), awtoridad (autoridad), bawtismo (bautismo), lawrel (laurel), hawla (haula bagaman may gumagamit dito sa anyo nitong haula at may tatlong pantig), maliban sa baúl
na may tuldik sa mahinang patinig;
6.1.2.7 (UA) agwa (agua), agwador (aguador), biswal (visual), estatwa (estatua), karwahe (carruaje), kaswal (casual), manwal (manual);
6.1.2.8 (UE) entreswelo (entresuelo), konsekwensiya (consecuencia), poswelo (posuelo).
6.1.2.9 Pansinin: Problema ang kaso ng EU, gaya sa Europa na dapat sanang bigkasing “Ewropa” o “Yuropa.” Sa halip, makiling ang gamit sa pagpapanatili sa naturang kambal-patinig, kaya Europa ang
kinikilingang baybay sa Europa; at gayundin ang nagaganap sa eufemismo (eufemismo), eukaristiya (eucaristia), euforya (euforia), eukalipto (eucalipto) bagaman binibigkas ang mga ito na “yufemismo,” “yukaristiya,” “yuforya,” “yukalipto.”
6.1.3 Hindi nasusunod ang tuntunin blg.6.1.2 at sa halip, isinisingit ang Y o W sa kambal-patinig sa mga sumusunod na kaso:
6.1.3.1 Kapag nasa gitna ng una at ikalawang pantig ng salita ang kambal-patinig. Halimbawa, biyahe (viaje), biyeho (viejo), Biyernes (viernes), biyuda (viuda), biyograpiya (biografia), biyolohiya (biología), buwelo (vuelo), buwelta (vuelta),buweno (bueno), diyabetes (diabetes), diyablo (diablo), diyalekto (dialecto), diyamante (diamante), diyametro (diametro), diyaryo (diario), diyalogo (dialogo), diyes (diez), diyos (dios), duwende (duende), giya (guia), guwapo (guapo), guwardiya (guardia), Huwebes
(jueves), huwes (juez), huwisyo (juicio), kuwaderno (cuaderno), kuwadro (cuadro), kuwadrado (cuadrado), kuwaresma (cuaresma), kuwartel (cuartel), kuwarta, (cuarta), kuwarto (cuarto), kuwatro (cuatro), kuwelyo (cuello), kuwerdas (cuerdas), kuwenta (cuenta), kuwento (cuento), kuwalipikasyon (cualificacion), kuwestiyon (cuestion), kuwidaw (cuidao), Miyerkoles (miercoles), muwebles (muebles), muwestra (muestra), niyebe (nieve), nuwebe (nueve), nuwesto (nuestro), piyano (piano), piyansa (fianza), piyer (pier), priyoridad (prioridad), puwede (puede), puwera (fuera), puwerta (fuerta), puwesto (puesto), ruweda (rueda), siyensiya (ciencia), siyentipiko (cientifico), siyete (siete), siyensiya (ciencia), siyudad
(ciudad), suwabe (suave), suwelo (suelo), suwerte (suerte), tiyempo (tiempo), triyanggulo (triangulo), tuwalya (toalla), tuwerka (tuerca).
6.1.3.2 Kapag sumusunod ang kambal-patinig sa tunog na H. Halimbawa, analohiya (analogía), biyolohiya (biología), buhiya (bujía), ekolohiya (ecologia), estratehiya (estratehiya), kolehiyo (colegio), lehiyon (legion), lehiyonaryo (legionario), lihiya (lijía), liturhiya (liturgia), paraplehiya (paraplejía), pribilehiyo (previlegio), prestihiyo (prestigio), rehiyon (region), relihiyon (religion), terminolohiya (terminologia) teolohiya (teología).
6.1.3.3 Kapag may tuldik ang mahinang patinig sa orihinal na salita. Halimbawa, analohiya (analogía), anatomiya (anatomía), bahiya (bahía), biyolohiya (biología), biyograpiya (biografía), buhiya (bujía), ekonomiya (economía), Epipaniya (Epifanía), hinekolohiya (ginecología), papeleriya (papelería), paraplehiya (paraplejía), pasteleriya (pastelería), pilosopiya (filosofía), potograpiya (fotografía), radyolohiya (radiología), teolohiya (teología), tiya (tía).
6.1.3.4 Kapag sumusunod sa dalawa o mahigit pang katinig ang kambal-patinig. Halimbawa, aksiyon (accion), ambulansiya (ambulancia), anunsiyasyon (anunciacion), anunsiyo (anuncio), atensiyon (atencion), atraksiyon (atraccion), bibliyograpiya (bibliografía), diksiyon (diccion), direksiyon (direccion), distansiya
(distancia), eleksiyon (eleccion), engkuwentro (encuentro), frekuwensiya (frecuencia), funsiyon (funcion), imbensiyon (invencion), importansiya (importancia), impluwensiya (influencia), industriya (industria),intelektuwal (intellectual), intensiyon (intencion), inter-aksiyon (interaccion), introduksiyon (introduccion), konsekwensiya (consecuencia), konsiyensiya (conciencia), kontradiksiyon (contradiccion), kumperensiya (conferencia), kumbensiyon (convencion), kumbersiyon (conversion), kumbiksiyon (conviccion), kuwestiyon (cuestion), mansiyon (mansion), pasensiya (paciencia), patriyotismo (patriotismo), pensiyon (pension), produksiyon (produccion), pronunsiyasyon (pronunciacion), proteksiyon (proteccion), repleksiyon (refleccion), seleksiyon (seleccion), silensiyo (silencio), siyensiya (ciencia), tantiya (tantear),
tendensiya (tendencia), tensiyon (tension), transaksiyon (transaccion).
6.1.4 Pansinin: Laging nasisingitan ng Y ang kambal-patinig na IU at ng W ang kambal-patinig na UI. Halimbawa, biyuda (viuda), triyumpo (triunfo), ruwido (ruido), ruwinas (ruinas), maliban sa altruísmo at altruísta na may tuldik ang ikalawang patinig.
7. Hinggil sa wastong panghihiram sa Espanyol at sa Ingles.
7.1 Iwasan ang mga salitang “siyokoy” o mga salita na hindi wastong Espanyol at hindi rin wastong Ingles. Halimbawa, “amyenda” sa halip na enmiyenda (enmienda) ng Espanyol o amendment ng Ingles, “aspeto” sa halip na aspekto (aspecto) ng Espanyol; “respekto” sa halip na respeto ng Espanyol o respek (respect) ng Ingles; “dayalogo” sa halip na diyalogo (dialogo) ng Espanyol o dayalog (dialogue) ng Ingles; “endorso” sa halip na endoso ng Espanyol o indors (endorse) ng Ingles; “imahe” sa halip na imahen (imagen) ng Espanyol o imeyds (image) ng Ingles; “dekolonisasyon” sa halip na deskolonisasyon (descolonisacion) ng Espanyol o dekoloniseysiyon (decolonization) ng Ingles; “istandardisasyon” sa halip na estandardisasyon (estandardizacion) o istandardiseysiyon (standardization) ng Ingles; “istraktura” sa halip na estruktura (estructura) ng Espanyol o istraktiyur (structure) ng Ingles; “kotemporaryo” sa halip na kontemporaneo (contemporaneo) ng Espanyol o kontemporari (contemporary) ng Ingles; “obhektibo” sa halip na
obhetibo (objetivo) ng Espanyol o objektiv (objective) ng Ingles; “pesante” sa halip na paysano (paisano) ng Espanyol o pesant (peasant) ng Ingles; “prayoridad” sa halip na priyoridad (prioridad) ng Espanyol o prayoriti (priority) ng Ingles; “subhetibo” sa halip na suhetibo (sujetivo) ng Espanyol o subjektiv (subjective) ng Ingles.
8. Hinggil sa paggamit ng –NG kapalit ng –N sa loob ng mga salitang hiram na sinusundan ng K.
8.1 Sa tuntuning ito, angkla at hindi “ankla” ang katumbas ng ancla; bangko at hindi “banko” ang katumbas ng banco; kongklusyon at hindi “konklusyon” ang katumbas ng conclusion; kongkreto at hindi “konkreto” ang katumbas ng concreto.
9. Hinggil sa paggamit ng ala/ alas para magpahayag ng oras.
9.1 Gumamit lagi ng gitling sa pagitan ng ala/alas at ng kasunod na bilang, numero man o binabaybay. Halimbawa, ala-1, ala-una; alas-2, alas-dos.
9.2 Panatilihin ang Espanyol na Y katumbas ng at sa pagpapahayag ng oras. Halimbawa, ala-una y medya, alas-tres kuwarenta y singko. Pansinin na nagaganap lamang ito kapag binaybay ang oras sa halip na nakasulat sa numero.
************* Dapat tanggapin ang alfanyumerik sa pinaikling pagbilang: 1ng (isang), 2ng (dalawang), 3ng (tatlong), 5ng (limang), 7ng (pitong), 8ng (walong), 10ng (sampung) atbp. Para sa "apat na", "anim na" atbp. ay "4 na", "6 na" atbp.
Dapat tanggapin ang alfanyumerik sa pinaikling ranggo o rangk: 1na (una), pang2 o ika-2 (pangalawa o ikalawa), pang3 o ika-3 (pangalo o ikatlo), pang4 (pang-apat o ika-apat), pang5 o ika-5 (panlima o ika-lima) atbp.
10. Hinggil sa wastong baybay ng pangalan ng ating bansa.
10.1 Dapat ibalik sa Filipinas ang baybay ng pangalan ng ating bansa. Ito ang orihinal na pangalan ng ating bansa, alinsunod sa pagkapangalan nito alang-alang kay Haring Felipe. Ito ang baybay na ginamit nina Rizal at Bonifacio sa kanilang pagsulat. Ito ang patuloy na ginagamit ng mga bansang nagsasalita ng Espanyol sa United Nations. Naging Pilipinas lamang ito dahil sa pag-iral ng abakadang Tagalog na walang F nitong panahon ng Komonwelt at panahon ng Hapon. Ngayong pinalawak ang mga tunog sa alpabetong Filipino sa pamamagitan ng pagpapasok ng mga titik na tulad ng F ay nararapat ding ibalik ang orihinal na baybay sa pangalan ng ating bansa.
************** Tanggapin rin ang Filipins mula sa "Philippines"
11. Sari-saring isyu sa baybay ng salitang Tagalog
11.1 Maaari o maari? Panatilihin ang orihinal at tumpak na maaari.
11.2 Pariralang may Kay. Marker ang kay at hindi panlapi. Katapat ito ng que sa ekspresyong Que barbaridad! Sa gayon, dapat itong ihiwalay sa kasunod na salita kapag ginamit sa parirala. Halimbawa, kay sigla sa halip na “kay-sigla” o “kaysigla”; kay tamis sa halip na “kay-tamis” o “kaytamis.”
11.3 Kaso ng taga/taga-. May gitling ang “taga’ kapag sinusundan ng pangngalang pantangi (halimbawa: taga-Maynila, taga-Cebu). Walang gitling kapag sinusundan ng pangngalang pambalana (halimbawa: tagalungsod, tagalalawigan).
11.4 Dulong patinig sa inuulit na salita. Panatilihin ang O sa dulo ng inuulit na salita. Halimbawa, ano-ano hindi “anu-ano”, sino-sino hindi “sinu-sino,” halo-halo hindi “halu-halo,” salo-salo hindi “salu-salo.” Nagiging U lamang ang O sa inulit na salita kapag walang gitling at nagkaroon ng ibang kahulugan ang inuulit na salita. Halimbawa, haluhalo na isang uri ng pagkaing pampalamig, paruparo na isang kulisap, salusalo na isang piging.
11.5 Reduplikasyon sa salita na may maka-. Kapuwa wasto na ulitin ang ikalawang pantig ng unlaping maka- o ulitin ang unang pantig ng salitang-ugat na nilalapian nito. Halimbawa, makakainom at makaiinom, makakatatlo at makatatatlo, makakasakay at makasasakay. Ipinapayo lamang na maging konsistent sa
gagamiting anyo. Sa sulating pampanitikan, ginagamit na marker para sa di-pormal na diyalogo ang pag-uulit sa ikalawang pantig ng unlapi.
11.6 Paglalagay ng tuldik. Ipinapayo ang paglalagay ng tuldik para matiyak ang bigkas at kahulugan ng mga salita na may iisang baybay ngunit nagbabago ang kahulugan sa iba’t ibang bigkas. Halimbawa, píto (silbato) at pitó (bilang); páso (daan paakyat sa mataas na pook), pasó (lumagpas sa takdang panahon ng paggamit), pasò (sugat na dulot ng apoy), pasô (luad na taniman ng halaman); líkas (bakwet) at
likás (natural); kalikásan (natura) at kalikasán (naturalesa); táyo (pang-abay na pangmaramihan) at tayô (tindig o panig). Iminumungkahi na pairalin sa mga teksbuk at sangguniang aklat ang paglalagay ng tuldik sa lahat ng salita bilang dagdag na tulong sa mga guro at mag-aaral hinggil sa wastong pagbasa at
pagbigkas.
*************** Dapat gamitin sa mga salitang hiram sa English upang tama ang istres: kátegori (kalimitang binibigkas na katégori), láboratori (kalimitang binibigkas na labóratori) atbp.
Dapat na isolv ang pagdistingwisy (distinguish) ng T+S at TS, K+S at KS, K+W at KW atbp.:
T+S at TS - "tit-ser" ang kalimitang basa sa "titser" na dapat ay "ti-tser"; "riserts" (ri-sert + S) dapat ay (ri-ser + TS)
K+S at KS - Paano matetreys (halimbawa, ng isang mag-aaral) ang pinaghiraman ng salita? "aksyon" (aK + Syon, aK+S + yon, aX +yon, aC +Tion); "refleksyon" (refleK + SYon, refleKS + yon, refleX + yon, refleC + Tion)
K+W at KW - "dekwat" (deC + Wat, de + KWat, deK + Wat); "iskwarter" (isC +water, is + CUater, isK + Water, is + QUater, is + KWater, s + QUatter)
MULA SA: http://www.sawikaan.net/ulat_hingil.html
MY GOD! I have been away in my 7,107 islands for a long time and even when I go back and play, I have no CLUE what they had done to OUR SALONG GUHIT Language?! Thanks for this! Their turning our aboridyinins language as a totally-fucked up turd world language!!!
Posted by reyna elena at January 20, 2007, 5:47 pmWhat the hell is that???
Posted by Eric at February 26, 2007, 10:05 pmhindi ko maanderstand ang mining to sayz ng mga awtors hirs!!!!!
Posted by harris at March 1, 2007, 12:21 pmthanx 4 diz syt! it rily helps in my studies and research!………
Posted by anne at March 18, 2007, 6:33 pmAnne, bakit, tungkol saan ba ang riserts mo?
Posted by filipinayzd at March 18, 2007, 11:20 pmmeronpa ba kayo maidadagdag tulad sa prosijure
Posted by percival at March 24, 2007, 1:29 pmur a shit!!!
Posted by isah at June 6, 2007, 5:53 pmRelak baka ka magkolap. Hehehe
Posted by filipinayzd at June 6, 2007, 8:33 pmokay lang naman para sa akin iyon,,,hindi ko lang alam kung bakit:)hehhehehe
Posted by yepsky at June 7, 2007, 5:16 pmo tlaga hindi nga suck it
Posted by lawrence at June 7, 2007, 8:01 pmanu b ang teksto
Posted by rissa at June 27, 2007, 6:05 pm2.2.2 => dapat hindi (DY) ang gamit, kung hindi ay (J), kasi ang pagkakaalam ko ay parang literal ang pagbabaybay at pag-i-ispel ng mga salitang Filipino, lalo na kapag galing sa mga hiram na salita ang Finilipinayzd (hehehe…tama ba?)
Posted by Robin at July 8, 2007, 7:27 pm2.1.2 => dyambol (jump ball)…nasaan ang emfasis sa “p”? aakalain na “jumble” ang dyambol kapag sinabi mo ito sa isang tao…wala lang…ay, nakuha ko na ang punto sa huli kong koment…
Posted by Robin at July 8, 2007, 7:45 pmMayroon po ba kayong halimbawa ng mga idyomatikong ekspresyon? Kailangan ko ang taaga para sa takdang aralin namin…Salamat po.
Posted by bErNaDeTTe at July 9, 2007, 7:27 pmAnu-ano po ba an mga pangunahing dyalekto sa Pilipinas???
Posted by bENaDeTTe at July 9, 2007, 7:39 pmnakakatuwa po basahin ang article nyo.. hehe
dami ako natutunan..
ty (”,)
sendan nyo pa po ako ng more examples dun sa hinggil sa mga Bagong Hiram na Salita plss po pki send sa email ko
emil_saylon@yahoo.com.ph
tenksss po !!!!!
Wow. How hard is that to read? HAHA
Posted by Kathryn at July 20, 2007, 2:02 amtulong! 10 orihinal na salitang filipino na walang translasyon sa ingles, 10 salitang ingles na walang translasyon sa filipino, at 10 salitang ingles na nababago ang kahulugan kapagg itrinasleyt sa filipino. salamat.
Posted by sam at July 22, 2007, 12:36 ammano
po
opo
pakimkim
headphone
pixel
byte
hack
patulong namn po ano po ba ang kahulugan ng paglalahad, kahulugan ng sanaysay 2 uri ng sanaysay anim na pamamaraan ng paglalahad. 2 paraan ng pagsulat ng sanaysay plzzzzzzz pakisagot now po
Posted by alfred at July 24, 2007, 8:03 pmpatulong nmn poh… 10 salita sa filipino na iba na ang kahulugan sa ngayon, 10 salita sa filipino na hindi na ginagamit sa kasalukuyan, 10 salita o parirala na walang katumbas sa ingles…. salamat po..
Posted by kim at July 26, 2007, 10:23 pmmay artikulo po ba kayo tungkol sa pagsuspend ng DepEd sa ginawang rivizyon sa Filipino alfabet at ispeling,kailangan na kailangan ko lang po o kahit na anong napapanahong isyu sa wika.kung meron po kayong alam.paki send na lang po sa email ko.si_ara@yahoo.com.salamat po.
Posted by ara at July 28, 2007, 9:43 pmkung cno po may listahan ng mga salita na hiram natin sa ibng lenggwahe pahingi nmn po 30words lng nmn po halimbawa; ‘pizza’ kala natin ingles xa pero sa italy galng ang salitra na yan ganyan po baka may listahan kayu padala nyu nlng po sa friendster ko hello_ariz18@yahoo.com thx
Posted by AriEz at July 30, 2007, 11:07 pmAsk ko lang po anu na bagong dagdag n filipino word sa ating wika dis yir…
Posted by jens at August 1, 2007, 9:06 amhanap ako ng mga idyomatikong pagpapahayag kc ba namn itong subject kong retorika nakakainis.
Posted by xavier at August 13, 2007, 9:54 ampano po ba malaman ang pagbilang ng mga bikolano simula 1 hangang 1.000.000
Posted by milbert at August 30, 2007, 10:03 am..iBigAy niUh anG miniNg nG uri nG sAlitA..
Posted by aNnE at September 5, 2007, 7:51 ampwede po bang sendan nyo po ako ng mga pa idyomatikong pagpapahayag….
para po kasi yan sa proyekto sa filipino sa lunes na po ang pagpasa……naghanap na ako sa aklatan pero wala akong mahanap……..
aasahan ko po kayo!! …….malaking tulong po yan sa akin……
SALAMAT PO!!!!!!!!!!!
Posted by Dacillo, Gerald R. at September 5, 2007, 3:19 pmpwede po bang sendan nyo po ako ng mga pa idyomatikong pagpapahayag….at pati na rin po yong kahulugan ng bawat idyomatiko….
para po kasi yan sa proyekto sa filipino sa lunes na po ang pagpasa……naghanap na ako sa aklatan pero wala akong mahanap……..
aasahan ko po kayo!! …….malaking tulong po yan sa akin……
SALAMAT PO!!!!!!!!!!!
Posted by Dacillo, Gerald R. at September 5, 2007, 3:24 pmanu poh vah ibig savihin ng el nino at la nina??????????????????????????
Posted by "RiTa" at September 5, 2007, 8:21 pmmeron ako mga katunungan??ang mga small words ba nakalagay eh mga komento mo??sa mga bawat paksa???
kailangan ko lng po malaman ngaun mismo sa kagahilanan gumagawa ako ng reaksyon paper about sa top[ic na toh??pakireply nmn po agad plssss
Posted by ellaine at September 23, 2007, 10:10 ampwdeng pa-post ng halimbawa ng jornal. filipino po.. salamat..
Posted by reah at September 25, 2007, 2:20 pmthanks ah..kailangan ko ito sa filipino subject ko eh..haha=)
Posted by marimar=) at September 28, 2007, 9:14 pmmarami me natutunan pero mahaba masyado……………………………………^_^
Posted by michael boy 2 at October 12, 2007, 2:11 pmok lang naman yon!! buti nga may naisip silang bago e. kayo ba meron???????????????
Posted by sd at November 9, 2007, 3:48 pmhello der! this site was a big help for me! I’m from U.E Caloocan, pwede po b send nyo nmn po me suggestions nyo kung anong mgandang riserts ko sa Filipino subjct kO..kelangan n kc mgpasa ng pamagat!! thnks!
Posted by Krizzy at November 12, 2007, 10:25 pmhello der! this site was a big help for me! I’m from U.E Caloocan, pwede po b send nyo nmn po me suggestions nyo kung anong mgandang riserts ko sa Filipino subjct kO..kelangan n kc mgpasa ng pamagat!! thnks!
Posted by krizzy at November 12, 2007, 10:27 pmwala bang digrapong titik? anu b naman yan………….
Posted by shei at November 13, 2007, 5:17 pmsus…
Posted by lala at November 26, 2007, 6:24 pmadd me sa friendster bryandelapaz224@yahoo.com… hehehe
Posted by bryandelapaz224 at December 1, 2007, 7:25 pmmaaari po bang ilagay nyo ang kahulugan ng kambal katinig
Posted by jessa at December 3, 2007, 6:19 pmwaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
Posted by Zeon at December 11, 2007, 7:16 pmhi wla ho akong nakita na idioms pwede po bang send nyo sa aking friendster amaycleofe@yahoo.com.ph cge na po kailagan po talaga ko sa aking project sa filipino thx
Posted by cleofe at January 3, 2008, 2:25 pmpwede po ba ngayon na plssssssssssssssssssss
Posted by cleofe at January 3, 2008, 2:35 pmFuck you
Posted by Teo at January 13, 2008, 4:47 pmhi po, tanong ko lang kung pano gamitin ang sangguniang alkat? pwede po bang pakisagutan ngayon na po..maraming salamat po!
Posted by belle at January 19, 2008, 2:12 pmang ganda ng mga nakalagay dito sa site na to….
Posted by aljon at February 22, 2008, 1:12 pmmagandang hapon po, pwede po bang isendan nyo po ako ng PAGBIBIGAY NG VARSASYON O IBA PANG KAHULUGAN. sa aking e - mail: samjaid_28@yahoo.com, pati na rin po sa idyomatikong ekspresyon. salamat po!
Posted by jaidhee at February 25, 2008, 2:32 pmaaahhmm. dun po sa comment ko pwede po bang tig sasampu po iyun kasi po last submission na po namin sa 29. studyante po ako sa st. john’s cathedral school. salamat poh!
Posted by jaidhee at February 25, 2008, 2:38 pminiimplement na ba ngayon ang 2006 guide sa speling ng mga hiram na wika? di ko alam kung 2001 revised rules ng 1987 guide pa din gagamitin ko sa klase…
Posted by madz at May 22, 2008, 5:02 pmuhmp..paki view naman po yung Makabagong Alpabeto ng Pilipino.,pwde?aasahan ko po!!
salamat?!!
ayy..naku pwede listihin moh nalang yung lahat ng hiram na salita at kahulugan nito?
Posted by camille at June 15, 2008, 2:14 pm…wala ba kayong mga salitang filipino na walang katumbas sa ingles? sana lagyan nyo naman……..
Posted by Jeanny Melo at June 15, 2008, 8:17 pmpakisend po sa email ko examples ng haluang hiram PLEASE… (plis… hehe)
esdoromal@yahoo.com
thanks!!!
I’m looking for the meaning of rhetoric by our Filipino authors, e umepal naman tong site na to la namang naitulong sa research ko… but for those students who wants to learn the correct words in Filipino language, well this is the right website for you!
Posted by Azi at June 16, 2008, 12:51 pmhi po!!!
patulong naman poT_T
ano-ano po ang mga tuntunin o rules sa panghihiram ng mga salita???
plzzz..help nyo poe ako…
kailangan ko po talaga ngaun ehhh plzzz…
punta na lng kau sa fs ko then paki sagot na lng po plzzz…
ito po email ko Mystery_devil@yahoo.com
cge po asahan ko sagot nyo.. plzzz po…
Posted by kenshin at June 16, 2008, 6:24 pmmeon poh b kaung mga salitang filipino n walang katumbas s ingles
Posted by mercy at June 22, 2008, 6:06 pmsang ayon ako sa mga ito
Posted by lovely at June 25, 2008, 5:49 pmhai nku..
grabe ang dme ko plang hindi alam sa srili nateng wika..
hai nakuh!!!,,anglupit vpala ng mga letra ng pilipinas1,,,{im proud to a pilipino}!!!!!
francis angelo g.sanchez III
Posted by francis angelo G.sanchez at June 30, 2008, 9:09 amhi po?pwd patulong?magbigay ng sampung salitang filipino na walang katumbas sa ingles?
Posted by mayyeth at November 18, 2008, 2:43 pmtaasa oi gamay ra tah pero brihgt gyapon ang nag himo kay nag pa ila man nga brihgt kay taas kaayo ang gi sulat……………………….
Posted by ekla at June 4, 2009, 2:24 pmpaano ko po malalaman ang mga salitang may klaster at sampung halimbawa ng klaster .
Posted by paul jixon t. rios at June 4, 2009, 6:06 pmang tinatanong ko po ay kung ilan ang alpabeto?????? hndi po words………………
Posted by kristine at June 8, 2009, 8:07 pmung tinatanong ko po ay ung alpabeto……..hindi ung mahabang salita
Posted by joshua at June 8, 2009, 10:40 pmpaano po ba bibigkasin ang makabagong alpabetong pilipino?
Posted by faith at June 10, 2009, 3:02 pmpwede po bang pakipost aman po sa site nyo ung KALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO kz walang kwenta ung mga nakapost dun sa iba…parang wala din…need ko po kz un para sa report ko diz thuarsday eh….mamatz!!!!!! godbless!!!!!!!!
Posted by eurica paragas at August 4, 2009, 1:35 pm^PAHiNGi NAMAN PO NG 2007 iSPELiNG-GAYD KUNGN MERON KA PO ..
MALAKiNG TULONG PO iTO ..
KAiBA BA iTO NG 2002 ORTOGRAPi?
PAKiSEND NA LANG PO SA rovyn_10@yahoo.com
MARAMiNG SALAMAT ..
Posted by rovyn at October 3, 2009, 9:13 pmpakidagdagan naman po ang mga nakasulat sa hiram na titik na “ñ”
Posted by adam at November 5, 2009, 1:28 pmang haba naman;/☺
Posted by K.C. at July 4, 2010, 4:17 pmnow that was stupid
Posted by inday at July 18, 2010, 9:59 pm
kailangan solusyunan ang mga probblemang pampilutiko.
Posted by shaine at December 14, 2006, 9:30 pm