Filipinayzd 2.0

Home » Archives » November 2006

Ano ito?

Sunday, November 19, 2006

Ikaw ba'y pikon o merong sens-ov-yumor? Imajinativ at krieytiv ang pag-iisip o seryoso?

Ano ang nakikita mo sa piktsur na 'to?

(more…)

Posted by filipinayzd at 7:53 PM | permalink | comments[6]

2006 Ispeling-Gayd ng Makabagong Filipino?

Friday, November 17, 2006

Dis-agri ako sa ginawang pagsuspend ng DepEd sa ginawang rivizyon sa Filipino alfabet at ispeling (na binuo ng KWP) dahil parang sinuspend rin ng department ang modernizeysyon ng Filipino langwij. Bagamat dis-agri ako sa ilang "kamalian" dun sa rivizyon, isa pa ring istep-forward iyon para sa "naka-istambay at nakatungangang" na Filipino. Ang masaklap pa ay temporaring pinagagagamit ang obsolit nang 1987 Alpabeto at Patnubay (err?). Iyon ay tatlong hakbang pabalik para sa Filipino. Para bagang ading-insolt-to-da-injuri pa.

Ngayon ko lang navyuw (gamit ang isang kompyuter naming may Adobe reader pala) ang atatsment na 1987 Patnubay sa Ispeling sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006. Makikita dun ang ilang mga futnowt (na wala sa orijinal na 1987 Patnubay, malamang ay idinagdag ng KWF). Ang isa sa mga futnowt ay nagsasabing ang dokyument na iyon ay tulad nung nasa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ng DECS nuon na pinirmahan ng dating Sekritari Lourdes Quisumbing nung August 6, 1987.

(more…)

Posted by filipinayzd at 9:50 PM | permalink | comments[71]

Paano mag-post sa I.PH gamit ang e-mail

Thursday, November 16, 2006

Ngayon ko lang nadiskover 'to at hindi ko pa natatray.

PARAAN:

1. Krumieyt/magkompows ng bagong e-mail mesij.
2. Sa sabjekt, ienter (1) ang taytel ng entri kung magpo-post sa blog; o (2) ang kapsyon ng inyong piktsur o awdiyow fayl kung sa multimidiya galeri ka nagpo-post.
3. Iadres ang e-mail sa:
- {sekretkowd}.{tag 1}.{tag 2}.{tag n}@filipinayzd.i.ph

igzampol:
its3am.flowers.roses@filipinayzd.i.ph

4. Itayp ang blog entri o iatats ang piktsur o myuwzik fayl
5. Isend ang e-mail.

MGA TUNTUNIN:

1. Ang e-mail ay ipopost sa defolt blog kung wala itong atatsment.
2. Kung ang naka-atats na fayl ay piktsur, maaaplowd ito sa defolt na foto album.
3. Kung ang naka-atats na fayl ay isang awdiyow, maaaplowd ito sa defolt na awdiyow album.

Posted by filipinayzd at 8:52 PM | permalink | Add comment

Taypografikal eror?

Wednesday, November 15, 2006

Makikita sa ikalawang sentens na ginamit ang "revisyon" at "nirereview" sa halip na "rebisyon/pagrerebisa" at "nire-review" na naaayon sa 1987 gayd sa ispeling na pansamantalang referens.

Sa ika-apat na sentens, sinasabing asap ang pagpalaganap ng Kautusan. Marahil ito ang dahil ng taypografikal eror (kung ganun nga).

Posted by filipinayzd at 8:13 PM | permalink | Add comment

Pinoy, tsampyon sa World Pool!

Monday, November 13, 2006

Si Ronato Alcano ang dinekleyr na tsampyon sa 2006 Men's World 9-Ball Championship, ang ika-17 na internasyunal 9-Ball turnament para sa mga lalaki ng World Pool-Billard Association (WPA) na hinold dito sa Filipinas. Tinalo nya si Ralf Souquet ng Germany, ang tsampyon nung 1996, sa iskor na 17-11.

Bago sya nakarating sa faynals, tinalo nya muna ang dalawa pang dating tsampyon at isang raner-up ng World Pool. Sa Round of 32, tinalo nya si "Bata" Reyes, tsampyon nun 1999, sa iskor na 10-7. Tinambakan nya naman sa Round of 16 si Kuo Po-cheng ng Chinese Taipei, raner-up nung 2006, sa iskor na 11-5. Sa semi-faynals, si Li He-wen ng China naman ang pinatumba nya sa 44-8 iskor.

(more…)

Posted by filipinayzd at 7:52 PM | permalink | Add comment

Dilema

nawn - isang sitweysyon na kailangan mamili sa dalawang opsyon na parehong hindi kaaya-aya. 

Hindi tungkol sa eleksyon ang post ko pero isang magandang halimbawa nito ay tuwing eleksyon. First taym kong vomowt nung 2001 eleksyon at ayokong sayangin ang privilij na yun kaya hindi ako nagliv ng blank sa balota ko. Subalit nung boboto na ko para sa governor, inabot ako ng ilang minuto bago ako nakapagdisayd. Ang opsyon, trapo (Villafuerte) o artista (Villamayor/"Aunor").

Nung Presidential Election, marami rin ang nasa sitweysyon na ito lalo na yung mga Bicolano, kabataan at middle class. Ang opsyon, iboto si Roco na sigurado namang matatalo o suportahan si GMA upang di manalo si FPJ.

(more…)

Posted by filipinayzd at 12:13 AM | permalink | Add comment