Nung ihold ang Olympic Games sa Athens, Greece nung 2004, bukod sa pangalang English ng mga bansang jumoyn sa palaro, nakalagay rin ang pangalang Greek ng mga bansa sa plakard ng bawat kontinjent, tally ng mga napanaluhang medalya atbp.
Sa Miss Italia nel Mondo at Miss Tourism Queen International nitong nakaraang buwan, nasa Italian at Chinese, respektivli, ang pangalan ng bansang inirereprizent ng isang kontestant sa sas (sash) [sasy?] niya. Gayun din sa mga internasyunal event na ginaganap sa South America, nasa kanilang wika.
Ang "Pilipinas" (nasa wikang Tagalog) sa [langwij] ay [katumbas]:
| Danish | Filippinerne |
| Dutch | Filipijnen |
| English | Philippines |
| Finnish | Filippiinit |
| French | Philippines |
| German | Philippinen |
| Greek | Φιλιππίνες |
| Hungarian | Fülöp-szigetek |
| Italian | Filippine |
| Portuguese | Filipinas |
| Spanish | Filipinas |
| Swedish | Filippinerna |
| Polish | Filipiny |
| Russian | Филиппины |
| Arabic | الفلبين |
| Japanese | フィリピン |
Ika-3ng Ikspalsyon
Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng solo performans ang mga iskolar. Mas feyr at pantay ang labanan kompeyrd sa mga nakaraang prezenteysyon nila na minsan ang iba ay tig-dadalawang layns lang.
Ang mga myembro ng juri sa gabing iyon ay sina Leah Navarro, Jimmy Antiporda at Vernie Varga na mga kilalang pangalan sa myuwzik indastri sa Filipinas. Matapos magbunutan sina Yeng, Oona, Kristoff at Davey para malaman ang order ng kanilang pagperform, unang kumanta ang isa sa dalawang Star iskolar na si Eman. Agri ako sa koment nung isang jaj na magaling ang pagkakanta nya sa Daliri at unang performans pa lang yun. Sumunod si Panky, ang pangalawang Star iskolar na kumanta ng Hard to Handle. Tulad ni Eman, dizerving na naging Star iskolar sya. Parang orijinal kompozisyon ang mga kinata nila dahil feel na feel nila.