Filipinayzd 2.0

Home » Archives » September 2006 » Page 3

Pinoy Dream Academy

Friday, September 1, 2006

Nung August 12 ang umpisa ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN. Nakilala ang 30 pasok sa NCR at Mega Manila mula 100 na nakapasa sa unang level at nagpatuloy sa pangalawang level ng awdisyon. Mula sa 30, 12 lamang ang pinili bilang NCR star dreamers para sa maglaban pati na yung 15 regional at 10 global star dreamers na mula sa iba't ibang Filipino komyuniti sa buong mundo.

Nang sumunod na linggo, inisa-isang ipinakilala ang mga napili sa mga rijonal awdisyon at iba't ibang Filipino komyuniti sa labas ng bansa. Nakatutuwang isipin na reprizented ang iba't ibang etniko at kumunidad ng mga Filipino. Bihirang may napapasama o may napapabilang sa mga nasyunal na kontest na taga-Cagayan Valley, Bukidnon, Cagayan de Oro atbp at mga Filipinong may dugong banyaga o pyur Filipino subalit lumaki't nagkamalay sa ibang bansa. 

(more…)

Posted by filipinayzd at 1:42 PM | permalink | comments[40]

Ang Pagbabalik

Sa wakas, matapos ang dalawang linggo, nakabalik rin ako. Umabot kasi sa limit yung bandwidth nitong blog ko. Hindi ko akalaing magkakaganun!

 

Posted by filipinayzd at 12:32 AM | permalink | comments[21]