Filipinayzd 2.0

Home » Archives » September 2006

PDA - Unang Ikspalsyon at Ika-2 Nomineysyon

Wednesday, September 20, 2006

Unang Ikspalsyon

First taym na present ang mga member ng fakulti na sina Headmaster Jim Paredes, Voice Master Moy Ortiz, Dance Master Maribeth Bichara, Fitness Master Gretchen Malalad at ang pinakabago, Performance Master Malu de Guzman. Ang mga juri nung gabing iyon ay sina Vehnee Saturno, Neil Gregorio at Pops Fernandez.

Hinati sa tatlong grup ang mga di-nanomineyt nung isang linggo. Ang una ay sina Jun, Panky, Irish, Geoff, Iya at Jay-R na kumanta ng Isang Linggong Pag-Ibig ni Imelda Papin habang sumasayaw ng tango. Impresiv ang performans nila (lalo na si Geoff at Irish) maliban kay Jun na sumablay. Ang pangalawang grup ay sina Chai, Eman, Davey, Joan at Ronnie na Karaniwang Tao ni Joey Ayala ang ipinerform habang tumutugtog ng mga katutubong instrumento. Enterteyning ang performans nila. Magaling sina Chai at Joan. Ang pangatlong grup ay sina Chad, Michelle, RJ, Yeng at Yvan na rock versyon ng The Day You Said Goodnight ng Hale ang kinanta. Hindi ko nagustuhan dahil over-konfident si Yeng.hindi magaling sina Michelle at RJ. Ang ranking ko sa tatlong grup (mula sa pinakamagaling pababa): Karaniwang Tao, Isang Linggong Pag-Ibig at The Day You Said Goodnight. 

(more…)

Posted by filipinayzd at 12:39 AM | permalink | Add comment

Survivor: Cook Islands - Unang Episowd

Monday, September 18, 2006

Dinivayd sa apat na traybs (Asyano-Amerikano, Puti, Latino at Afrikano-Amerikano) ang 20 castaways na first taym na makita ang isa't isa habang sila ay nasa isang ansyent na barko (yung parang sa pirata) sa gitna ng South Pacific. Binigyan sila ng ilang minuto upang makuha ang suplay na kailangan nila para sa susunod na 39 araw. Pagkatapos, inabandona nila ang barko. Gamit ang kanilang balsa, sumagwan ang apat na grupo patungo sa kani-kanilang beach. Hindi pa kelanman hinati ayon sa lahi ang mga pleyer sa Survivor kaya interesting at kontrobersyal ang season na ito.

 
(more…)

Posted by filipinayzd at 12:33 PM | permalink | Add comment

Ang hirap ispelingin

Sunday, September 17, 2006

VegasFilAmGuy: So I'm curious,

How do you speel these words in Filipino.

Picture.  Piksur? peekchure? peksor? picher? Pachoor? Pekcher? Picsoor? 
Picshure?  Pixur?  Pixor?  Pecsure?  Or as you spell it Piktsur?

Proposal.  Pruposal?  Propawsol?  Prupusel?  Prapowzil?  Or as you
spell it propowzal?

How about the many other words?

Pers, u teyk a picsoor to pet en yoor prupusel so det u ken mob on to
pinalayz ebriteng els?

Does that make any sense?

Dapat na tandaan na magkakaiba ang ortografi ng mga wika. Sa Filipino, kung papaano ang pagbigkas, iyon rin sa pagsulat.

(more…)

Posted by filipinayzd at 2:29 AM | permalink | comments[6]

Heganteng Bandilang Filipino

Thursday, September 14, 2006

Ilalatag na sa Saturday, sa Mt. Inordinan, Aritao, Nueva Vizcaya, ang pinakamalaking bandilang Filipino na maaaring makabreyk sa rekord na pinakamalaki sa buong mundo.

Si Grace Galindez-Gupana, prezident ng Halleluiah PG Tower Ministry ang pasimuno sa pagkrieyt ng heganteng Philippine flag na idinizayn upang "magkaroon ng pagkakaisa, nasyunalismo at pananalig sa Dyos ang mga Filipino".

Ang bandila na gawa sa nylon cloth, tulad na marteryal na ginagamit sa paggawa ng parasyuwt, ay may sukat na 330 at 660 talampakan, may bigat na 3,772 kilo, at kung ilalatag ay sasakop ng 2 hektarya. Labin-dalawang tao ang tumahi at dumizayn at 40 ang tumulong sa pagbuo ng bandilang nagkakahalaga ng Php 1 milyon.

(more…)

Posted by filipinayzd at 5:00 AM | permalink | comments[1]

Riserts propowzal

Magsesekond simester na sa darating na November at wala pa akong nagagawang propowzal para sa masteral tesis ko. (O! Huwag magmarunong, hiram-Ispanyol ang mga salitang "masteral" at "tesis" okey?) Isang 3-yunit sabjekt na lang ang kelangan kong iteyk, Research Seminar, bago ako makakapagsulat ng tisis pangmaster. Dapat kasi nag-inrowl na ako nung first simester para diretso na ko sa thesis writing. Gradyuet na sana ko ngayong March 2007.

(more…)

Posted by filipinayzd at 12:44 AM | permalink | comments[13]

Efren

Tuesday, September 12, 2006

Sa iskor na 8-6, panalo si Efren "Bata" Reyes kontra Rodney Morris sa International Pool Tour's World Open 2006 8-Ball Championship na ginananap sa Reno, Nevada. Tumanggap sya ng tumataginting na kalahating milyong dolyar o Php 25,0000,00. May 200 magagaling sa bilyar ang sumali sa 7-araw na turnament na nagtapos nung Tuesday.

Mabuhay ka!

Posted by filipinayzd at 4:24 AM | permalink | Add comment