Filipinayzd 2.0

Home » Archives » August 2006 » Page 2

Unang aniversari ng kamatayan ni Raul Roco

Saturday, August 5, 2006

Mesij ni Sonia Roco:

On August 5, 2006, Saturday, Raul Roco, Our Friend, Servant of God and Country, will be one year (EarthTime) in Heaven, Let us remember him without fanfare and/or fireworks, instead, Let it be a day of Prayer, Let us offer masses on that day in our parishes and ask our priest friends if they can mention his name so others will remember how much he loved and served us with the gift of his life.

Please help multiply this remembering RSR prayer brigade by passing this request to others nationwide.

For friends who will be in Manila, there will be a mass at 7pm, Dela Strada Parish, Quezon City, Please confirm if you can be with us, May you stay close to the heart of God.

Thank You
SONIA ROCO
 

"Wag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lang." Ito ang mesij ng Rainbow ng South Border na isa sa mga sumuporta sa kandidasi ng dating senador.

 

Posted by filipinayzd at 9:07 PM | permalink | comments[55]

Kakaibang regalo kay PGMA

Thursday, August 3, 2006

Isang haybrid na ornamental syrab [KKKPK] na may sayantifik neym na Mussaenda Gloria Macapagal Arroyo ang iprinizent sa pangulo ng mga taga-breed ng mga halaman ng University of the Philippines Los Baños bilang regalo sa ika-38ng wedding aniversari nila ni Mike Arroyo.

Ang Mussaenda Gloria Macapagal Arroyo ay ang kauna-unahang haybrid ng mussaenda na ipinangalan sa isang presidente ng Filipinas. Ito rin ang kauna-unahang nairejister at nai-release ngayong sentyuri ayon kay Dr. Teresita Rosario ng UPLB College of Agriculture.
 
Ito ay ang naging resulta ng pagbibreed ng Mussaenda Doña Evangelina (na ipinagalan sa ina ni Gloria na si dating First Lady Evangelina Macapagal) at Mussaenda Doña Aurora (ang unang halaman ng mussaenda na ipinangalan sa isang first lady ng Filipinas).

Meron rin hinaybrid na mussaenda na ipinangalan kay dating pangulong Corazon Aquino pero di pa ito na ipriprizent ng formal sa kanya.

Posted by filipinayzd at 3:20 AM | permalink | comments[47]

Majika

Wednesday, August 2, 2006

Nadiskas ko nung July 8 ang maling ispeling ng taytel ng mga TV syow na XXX at Adyenda.

Isa pang syow ang hindi rin sumusunod sa tamang tuntunin sa tamang ispeling, ang "Majika", isang serye sa GMA 7 na may zyonrang fantasi. Ito ay tungkol sa mga Salamangkas - ang tawag sa mga neytiv ng Saladin na marunong magmajik. Ang mga meyjor karakter dito ay sina Angel Locson bilang Sabina at Dennis Trillo bilang Argo.

Sa tuntunin sa ispeling ng wikang filipino (2001), gagamitin ang letrang J kapag: 1) hihiramin ng buo ang isang salita, at 2) kapag iispelingin sa Filipino ang isang hiram na salitang may tunog /j/.

Marahil, kinoyn lang at hindi hiniram ang salitang "majika" dahil wala sa vokabyulari ng English, Spanish o ano pa mang langwij ang salitang ito. "Salamanca" ito sa Spanish o "salamanka" kapag isinaFilipino. "Magic" naman sa English o "majik" kapag isinaFilipino. Pumapasok ang problema sa ispeling. /Ma.hika/ kasi ang basa nila dito.

Konsistent ang Filipino. Kung /ma.hika/ ang basa sa "Majika", "Mahika" dapat ang gamiting ispeling ng taytel ng TV syow na ito. Kung talagang "Majika" ang gusto nilang ispeling nito, /ma.jika/ dapat ang basa dito.

Posted by filipinayzd at 2:36 AM | permalink | comments[97]

100ng mga bata ang nabubulag sa Filipinas bawat linggo

Tuesday, August 1, 2006

Magkakalahating milyon na ang nakararanas ng pagkabulag sa Filipinas. At halos 100ng mga batang Filipino ang nabubulag bawat linggo, karamihan ay dahil sa mga sakit na maaari namang malunasan ayon sa Deparment of Health.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, 90% ng mga bulag sa bansa ay galing sa mahihirap at 62% dito ay dahil sa katarata.

Ang malnutrisyon, tipdas at mga komplikeysyon sa panganganak (lahat maaaring maprivent kung malulunasan sa tamang oras) ang sanhi ng pagkabulag sa mga bata. 

Majoriti ng mga Filipino lalo na yung nasa mga rural area ay walang akses sa mga eye klinik o sa mga ophthalmologist dahil sa mataas na presyo ng mga gamot. (AFP)

Posted by filipinayzd at 4:58 PM | permalink | comments[37]