Filipinayzd 2.0

Home » Archives » August 2006

Kung Bakit Nagmura Ako ng Putang Ina sa Buwan ng Wika

Friday, August 18, 2006

Gusto kong isyeyr ang nakakainspayr at nakakaaliw na artikel na ito mula sa Mauban.net. Ito ay ang lektsur ni Nelson Turgo sa mga estudyante ng Manuel S. Enverga University Foundation, Inc. para sa selibreysyon ng Buwan ng Wika nuon.

Kung Bakit Nagmura Ako ng Putang Ina sa Buwan ng Wika O ang Diskurso ng Kapangyarihan/Pulitika ng Tunggalian sa Filipino Bilang Wikang Pambansa

Magandang umaga sa ating lahat. Nagpapasalamat ako sa paanyayang ipinaabot sa akin bilang tagapanayam sa programang ito. Nais kong banggitin na ang programa ay parehong nakakatuwa at nakakalungkot. Huwag kayong magugulat sa sinabi kong ito. Ako man minsa’y nagugulat din sa mga sinasabi ko. Natutuwa ako sapagkat may inilaang panahon ang pinakamalaking unibersidad sa Timog Katagalugan upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Ibig sabihin, sa aking palagay, mahalaga sa inyong unibersidad ang anda (function) ng wika sa pagsusulong ng kahusayang pang-akademya. Nalulungkot ako dahil ipinagdiriwang pa natin ito. Ibig sabihin lamang, mabuway pa ang ating Pambansang Wika. Kinakailangang taon-taon, paalalahanan tayo na Filipino ang ating wikang pambansa. Sa mga bansang Hapon, Pransya, Thailand, Malaysia, Rusya at iba pa, wala silang katulad na pagdiriwang. Hindi dahil sa wala silang pagmamahal sa kanilang pambansang wika kung hindi dahil sa ganap ng pambansa ang kanilang wika kung kaya’t hindi na kinakailangan pa ang mandato ng estado upang ipagdiwang ang kayamanan at kapangyarihan ng kanilang wika. Astig na ang mga wika nila, kumbaga.

(more…)

Posted by filipinayzd at 5:13 PM | permalink | comments[88]

Half-Pinoy sa Survivor?

Monday, August 14, 2006

Posibleng meron isang Filipino-American ang napabilang sa mga kontestant sa riyaliti-syow na Survivor.

brad 

(more…)

Posted by filipinayzd at 2:56 AM | permalink | comments[1]

Buwan ng mga Wika sa Filipinas

Sunday, August 13, 2006

Ang tema ng selibreysyon ng Buwan ng Wika ngayong taon ay: "Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay Buwan ng mga Wika sa Pilipinas (sic)".

 

(more…)

Posted by filipinayzd at 8:46 PM | permalink | comments[234]

Kung ano ang bigkas, iyon ang baybay. Kung ano ang sulat, iyon ang basa.

Thursday, August 10, 2006

Sa mga tuntunin sa panghihiram, bibigkasin umano sa orijnal form ang hihiraming salita mula Spanish, English, at iba pang forin langwij, at saka iispelin sa Filipino. Ang kwestson, paano ba ang pagbigkas, bigkas ng neytiv ispiker o bigkas humihiram?

[Mga salitang English na lang ang ibibigay kong halimbawa dahil mas humiram ang karaniwang kabataang Pinoy (basa: kami) sa English kaysa sa Spanish at iba pang forin langwij.]

/Edukey.syon/ ang lagi kong naririnig na sagot ng mga estudyanteng nagteteyk-ap ng BSE o BSEE kapag tinanong sila kung ano ang kors nila at mangilan-ngilan lang ang sasagot ng /edukasyon/. (Wala nang dibeyt kung ganoon kung pasok na o hindi pa ang “education” sa Filipino vokabyulari.) Sa katotohanan, wala pa talaga akong narinig na sumagot nung nahuli. Meron naman, ang sagot ay /ejukey.syon/ ~ /e.jukeysyon/.

(more…)

Posted by filipinayzd at 6:29 PM | permalink | comments[118]

Filipino 101: Klaster at Diptonggo

Tuesday, August 8, 2006

Sherrie: Ano ba talaga kahulugan ng klaster at diptongo?

 

Ang klaster ay ang dalawa o higit pang magkakatabing konsonant sa loob ng isang salita

Katulad ito sa "kambal-katinig" sa Tagalog na mula sa mga salitang KAMBAL o dalawa at KATINIG o konsonant subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol lamang ang ikinokonsider na ganito. Walang higit sa tatlong magkakatabing konsonant sa isang silabol sa Tagalog (mga salitang-hiram sa Spanish) hindi tulad sa Filipino na posible ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat. Ito ay rizolt ng paghihiram ng salita sa mga forin langwij (karamihan sa English).

Igzampol:
eroplano
titser
rolerbleyds
syrimpbol [KKKPKK-KPK]

Hindi klaster:
ngipin (ang NG ay ikinokosider na isang letra sa Tagalog maging sa Filipino)
saging

(more…)

Posted by filipinayzd at 10:19 PM | permalink | comments[246]

Mas simpleng English ispeling, patuloy na iniinsist

Ang Simplified Spelling Society (SSS), nag-istart nung 1908 na may hangaring iapdeyt ang English ispeling. Isa sa mga objektiv ng grupo ay ipablisayz ang mga walang saysay na pasakit ng (komplikeyted na) English ispeling at ang maaaring mga benifit ng simplifikeysyon nito.

Kapag ang "say," "they" at "weigh" ay nagraraym, pero ang "bomb," "comb" at ang "tomb" ay hindi, mas magkakaroon daw ba ng sens kung ispelingin ang mga salita kung paano ang mga ito binibigkas?

Ang English langwij na yata ang pinakakomplikeyted pagdating sa ispeling at pronunsieysyon. Ito ay may 42ng mga sawnd na iniispel, bilivit ornat, sa 400ng paraan.

(more…)

Posted by filipinayzd at 1:21 AM | permalink | comments[72]