Filipinayzd 2.0

Home » Archives » July 2006

Marlon Manalo sa 2006 IPT North American Open

Monday, July 31, 2006

Panalo ang German na si Thorsten "The Hitman" Hohmann laban kay Marlon "Marvelous" Manalo sa 2006 IPT 8-Ball Championship na hinold sa The Venetian Hotel sa Las Vegas, Nevada nung Linggo. Ipinanalo ni Hohmann ang walo sa 15 racks at inuwi ang $350,000ng grand prayz.

 
Bago makapasok sa faynals, tinalo ni Manalo ang kapwa Filipino na sina Efren "Bata" Reyes at Dennis Orcollo. Tinalo rin nya ang Russian na si Evgeny Stalev at German na si Ralf Souquet. Tanging si Hohmann lang ang tumalo sa kanya sa elimination round.

Tumanggap ng $99,000 si Manalo para sa pangalawang pwesto. Ang kababayang sina Orcollo (pumangatlo) at Reyes (pumang-apat) ay magkahiwalay na tumanggap ng $80,000 at $65,000. Si Soquet na pumang-lima ay nakakuha ng $50,000 at si Stalev na pumang-anim ay nakakuha ng $40,000.

Posted by filipinayzd at 12:18 PM | permalink | comments[40]

Ivakyueysyon dito, ivakyueysyon duon

Wednesday, July 26, 2006

Pamomomba sa Lebanon - Dumating na ang ika-apat na bats ng mga OFW na inivakyueyt mula Lebanon. Marami pang mga Pinoy ang iniikspekt na dumating sa Manila sa Hwebes. Umaabot ng 30,000 ang OFW sa Lebanon at halos ganun din sa Israel.

Posibleng landslayd sa Laguna - Beysd sa riserts ng Mines and Geosciences Bureau, mayroon nang 300 metrong krak ang bundok sa Barangay Dambo sa Pangil, Laguna. May 60ng pamilya na ang inivakyueyt dahil sa peligrong dulot ng landslayd. Pwersahan na ring inilikas ang mga residente. Nasa risetelment eyrya sila, nagtatayo nang permanenteng mga bahay.

Baha matapos ang tayfon Glenda - May 27,000 ang apektado ng baha sa ilang lugar sa Luzon dahil sa naraang tayfon Glenda. Limang libo ang nagsipuntahan sa mga ivakyueysyin senter habang ang iba ay nakitira muna sa mga relitiv. Lubog pa rin ang maraming daan sa Manila at di-madaanan ng mga layt vihikel.

Irapsyon ng Mayon - Pinababalik muna ng meyor ng Sto. Domingo, Albay ang libu-libong mga ivakyui sa kanilang bahay sa labas ng 6 kilomiter deynjer zown sa kabila ng paglapit na sa bunganga ng Mayon volkeyno ang magma na posibleng maging rizolt ng isang matinding irapsyon. Hindi pa naman daw kasi itinataas ang alert level sa 4 at mas komportable sila sa kanilang bahay kumpeyrd sa ivakyueysyon senter. Nagwowori na rin ang lowkal government na baka kulangin na ang kalamiti fand kapag ginatos na ito sa pagkain at pangagailangan ng mga ivakyui. Pwede pa ring mag-istey sa ivakyueysyon senter ang mga takot nang bumalik sa kanilang bahay. Para sa PHILVOLCS, hindi naman delikadong bumalik sa kanilang bahay ang mga nag-ivakyueyt.

Inasyur ng PHILVOLCS na beysd sa kanilang ikpiryens sa mga priviyus irapsyon, may aproksimeyli 4 na oras ang mga residente para maka-ivakyueyt bago tuluyang pumutok ang bulkan.

Posted by filipinayzd at 11:47 PM | permalink | comments[36]

Ang SONA ni GMA

Monday, July 24, 2006

  

Ang leytest na SONA ni GMA ang pinaka-mahabang SONA ng presidente ng Filipinas na narinig ko.

Sa pamamagitan ng isang pawerpoynt prezenteysyon, detalyadong diniskas ng pangulo ang kanyang mga planong prajekt. Sa halip na pag-usapan ang totoong "isteyt ng neysyon" o ang kalagayan ng bansa, iprinizent nya sa mga Filipino ang kanyang plano para sa natitira nyang apat na taon. Iyon raw ang gustong marinig mamamayan - ang malaman ang plano na magsisilbing daan tungo kaularan. Ayaw nyang pag-usapan ang pulitika.

(more…)

Posted by filipinayzd at 12:33 PM | permalink | comments[48]

So, ano na?

Thursday, July 20, 2006

Sa July 24 na ang (huling?) SONA ni Gloria Macapagal-Arroyo. 

Malalaman natin ang kalagayan ng Filipinas ngayon at ang mga ginawa ni GMA sa loob ng isang taon mula nuong huli nyang SONA nung 2005 sa ispits nya sa Lunes. Yan ay kung magsasabi sya ng totoo…

Ang pinaka-aabangan ng mga Filipino sa kanyang SONA ay ang masasabi nya sa kasong impitsment na ifinayl laban sa kanya, ang suholan sa mga bisyop at ang CHA-CHA.

Posted by filipinayzd at 5:31 PM | permalink | comments[31]

Bulkang Mayon, nagbuga ng lava

Saturday, July 15, 2006

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, PHIVOLCS, ang ikatlong alert level (merong limang isteyj) ang bulkang Mayon matapos na mairekord ang ilang lindol at maobserbahan ang pagtilamsik ng lava na bumuhos paibaba sa slope nito kahapon.

(more…)

Posted by filipinayzd at 7:32 AM | permalink | comments[45]

E-mail

  

Nakaresiv ako ng e-mail mula sa inaplyan ko gamit ang Jobstreet. Filipino titser sa hayskul yung posisyon, sa Mapua Institute of Technology.

Marami na ring sumagot sa mga job aplikesyon ko. Yung mga posisyon, enterteynment transkripsyonist, ofis staf, atbp. Hindi ko naman pinapansin. 

Ang sabi sa kin nung isang frend, e bakit pa raw ako nag-aaplay kung di ko rin naman sinusubukan. Wala naman talaga akong balak na aplayan ang mga iyon. Trinatray ko lang kung merong sumagot sa mga aplikeysyon ko.

Tsaka, nakikita ko pa lang kasi ng e-mail, kinagabahan na ko.

Posted by filipinayzd at 3:33 AM | permalink | comments[56]